Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James Merquise, idol sina Mike Magat at Mon Confiado

MADALAS natotoka sa newcomer na si James Mer­quise ang mga role na pulis. Nag-e-enjoy naman siya dahil na­ngangarap maging isang action star someday si James. Nag­simula siya sa showbiz noong latter part ng 2016 nang sumabak sa acting workshop si actor/director na si Mike Magat sa Sonza Production.

Si James ay isang 30 year old Masscom graduate na hilig talaga ang pag-aartista. Nag­kuwento siya kung paano napasok sa showbiz.

“Nag-start po ako kay Direk Mike Magat Dec 2016 start po kami ng Workshop sa Sonza Production. Then ginawa namin ang movie na Sikreto sa Dilim na naging successful having won an award in New York Inter­national Film Festival. Very soon ay ipalalabas din ito sa Philippines,” saad ni James.

Kabilang sa mga sumunod na project niya ang Tales of Dahlia ni Direk Moises Lapid kasama ang talented na bagets na sina Kikay Mikay at Apocalyp­sis ni Direk Rudy Fajardo. Nakalabas na rin siya sa TV series na Ikaw Lang Ang Iibigin nina Kim Chiu at Gerald Anderson at sa The Good Son na tinampukan nina Joshua Garcia, Nash Aguas, Jerome Ponce, at iba pa.

Ayon pa sa kanya, pangarap niyang maging action star someday. “Dream role ko po talaga ang police man and pangarap kong maging action star someday. I’m also open sa mga challenging roles like killer or isang psycho.”

Sino ang idol mong action star? “Si Direk Mike Magat po at Mon Confiado po ang ginagaya ko, pero siyempre po idol ko sina FPJ at Rudy Fernandez noong bata pa ako. Ngayon po, sina Coco Martin na and kuya Robin Padilla rin ang idol ko.”

Bakit sila ang idol mo? “Magaling po kasi silang actors and magaling din po sa ak­siyon. Ako po kasi, I can do stunts din at fight scenes. Black belter po ako ng kick boxing, I know also judo, karate, at taekwondo,” aniya.

Lately ay napanood siya sa Ipag­laban Mo ng ABS CBN at thankful din si James dahil mayroong bagong TV project.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …