NGAYONG Sabado, matindi ang Magpakailanman dahil no less than Gabby Concepcion ang magbibigy ng hustisya sa nakaaantig na karakter ni Raul, isang amang magliligtas sa nag-iisang anak niya sa kamay ng mga human trafficker.
At bongga talaga dahil ang gaganap na anak niya ay si Inah de Belen na anak sa tunay na buhay ni Janice de Belen na dating karelasyon ni Gabby!
Isang malaking isyu sa bansa ang ganitong kalakaran ng mga sindikato, at palalawakin pa ng Kapuso star ang kaalaman dito. Abangan kung paano susuungin ni Raul ang kamatayan para lang maprotektahan ang kanyang unica hija na si Grace.
Tampok din sa episode na Ibalik Mo Sa Akin Ang Anak Ko sina Valerie Concepcion bilang Linda, Chinggay Riego bilang Mila, Tom Olivar bilang Carding, Analyn Barro bilang Sonya, Raul Russo bilang Eleazar, Jon Achaval bilang General Diaz, at Kiko Matos bilang Gardo.
Rated R
ni Rommel Gonzales