“I wasn’t fired at PTV4!” Ito ang iginiit ni Erwin Tulfo sa paglulunsad ng kanyang bagong programang Ronda Patrol Alas Pilipinas, isang oras na programa na mapapanood sa PTV4 tuwing Sabado, 10:00-11:00 a.m..
Ani Erwin, “I quit the newscast. I quit the program ‘Sa Totoo Lang’ with the President para nakapag-concentrate ako sa radio at dito sa digital media ko po sa live streaming ko sa Facebook: Erwin Tulfo FB page, ‘yung mga program ko roon mapapanood.”
Muling iginiit ni Erwin na hindi siya tinanggal sa PTV 4. “Kahit itanong ninyo pa kay Sec. Martin Andanar. Sinabihan pa nga niya ako na huwag akong mag-resign. Eh nabuwisit ako after my brother and sister incident na dapat ay may sumagot niyon eh ayaw sumagot.”
Ukol naman sa balitang tatakbo siya bilang Senador sa 2019 election, nilinaw ni Mr. Erwin na walang katotohanan iyon.
Aniya, “It first pop up on March sa unang survey ng SWS na nasa no. 7 ho ako. I have no idea kung sino po ang nagpa-survey niyon. And then come April, nag-pop-in again sa Pulse Asia survey, nasa no. 7 pa rin ako. Mayroong isa pa nitong May na nagsasabing nasa 5th spot na ako.
“Hindi ko pa ho nakikita pero marami ang nagsasabi at ito ang bulong-bulungan.
“Wala ho akong plano sa usaping ito (maging senador). Ito na nga ho nagkaletse-letse ang nangyari. Na-isyu ang kapatid kong si Ben, si secretary (DOT sec Wanda Tulfo Teo), pati ako pangalan ko na-drag.”
Paliwanag pa ni Mr. Erwin, “We really believe na ang target niyon ay ako, hindi ang kapatid ko o sister ko, because from nowhere ‘yung pangalan ko ho lumabas sa survey.”
Sa totoo lang, ani Mr. Erwin, marami ang bumubulong sa kanya na tumakbo. “Eh ano naman ho ang pakialam ko roon. Ang gusto ko ho talaga eh ang bumanag nang bumabat. Hindi ho ako sanay na ako ang babanatan eh pagdating ng araw.
“Pero sinasabi nga wala sa plano ko ‘yan. At this point I have no plans. May mga kapatid ho ako na who wants to run pero for me ho wala talaga akong planong tumakbosa senado.”
Giit pa ni Mr. Tulfo, “I am enjoying for what I am doing in broadcasting. I love what I’m doing right now.” At walang makapagpapabago ng desisyon niyang ito. “Ang sinasabi ko ho when the time comes, it is there, it’s there.”
Muli, sinabi ni Erwin na pinaka-importante sa kanya ang kanyang upcoming show sa PTV4 na magsisilbi siyang news anchor kasama sina Lad Augustin at Loy Oropesa bilang co-anchor.
Ang Ronda Patrol Alas Pilipinas ay one hour program na ang mag-asawang sina Matt at Queenie Ureta ang nag-produce.
Kasama sa programang ito ang Rainbow ng Buhay ko na ang layunin ay ma-uplift ang spirit ng bawat manonood.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio