Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Young JV, may mensahe sa nagpakalat ng sex video: Salamat!

CHALLENGE kay Young JV na mag-endoso ng mga produktong pampamilya.

Well, malaking challenge po talaga sa akin ‘yun. The past will be past. Everybody commits mistake sa ginagawa nila kaya malaki po ‘yung pagpapasalamat ko (sa ABS-CBN) because nakikita po nila ‘yung capabilities ko po bilang artista and performer na maibibigay ko po.”

Sa tanong kung naipabura ba niya ang mga kumalat niyang sex video, “Hindi ko makontrol, eh! Kahit gusto nating mangyari ‘yun [na mabura], it’s all over the place.

“Parang sabi ko, ‘Bahala na kayo riyan, ako move on na lang!’”

Paano niya na-handle ang sitwasyon na iyon?

“Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko iha-handle iyon. Parang alam mo ‘yung gusto kong maglagay ng paper bag sa ulo ko!

“Pero sabi ko, you know, my mistakes talaga na ako I can’t deny, if I deny it more, mas pangit para sa akin. So sinabi ko na lang I own up to it po, everyone makes mistakes, lahat po tayo puwedeng bumangon sa mistakes.”

Hindi nila kilala kung sino ang nagkalat ng sex video ni Young JV.

“Pero ‘pag nahanap ko po sasabihin ko, ‘Salamat!’

Ano ang maipapayo niya sa ibang male celebrities na may sex scandal ding tulad niya?

“”Ha! Ha! Ha!

“Guys, just be careful!

“Be responsible.”

Ang ibang male celebrities na may scandal ay dumami ang indecent proposals mula sa gays, si Young JV kaya?

“Oh my Lord!

“To be honest, wala akong indecent proposals ha, for some reason.

“Complements, ang dami.”

Ano ang sinasabi sa kanya ng mga nagco-complement na ito sa nakapanood ng video niya?

“Hey ano ha, ang ano ha? Parang ganoon.”

Ano ang most flattering na narinig niyang komento?

“Ha! Ha! Ha! Sabi nila, ano ha, ‘Magaling, magaling!’”

Mas maingat na siya ngayon at sigurado siya na iyon na ‘yun at wala ng lalabas pang malaswang video niya.

Matagal na rin naman iyon at hindi na siya nakikipag-chat ng ganoon.

“Typical young person,” ang sagot ni Young JV kung bakit nagawa niya ang video na iyon.

Sinabihan din siya ng mga magulang niya na maging maingat at maging responsible sa bawat gagawin niya.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …