MATARAY kung sa mataray ang singer- actress na ito, na kilalang ipinaglalaban ang kanyang katwiran.
Pero tsika ng aming source, mayroon daw tayong hindi alam tungkol sa kanya lalong-lalo na noong panahong hindi pa siya sikat.
“Hoy, huwag niyang madenay-denay na noon, eh, hindi naman kagandahan ang pamumuhay ng pamilya nila, ‘no! Nakatira sila malapit sa creek, na siyempre, eh, daluyan ng mga itinambak na basura. Pinamumugaran siyempre ‘yon ng mga lamok at langaw na puwedeng pagkunan ng sakit,” bungad na tsika ng aming impormante.
Hindi raw kataka-taka kung tinubuan daw ng sakit sa balat ang singer-actress, ”’Day, tadtad ng Galicia (read: galis) ang binti ng lola mo, ‘no! Buti na lang, nakalipat sila ng ibang tirahan. At buti na lang, maalaga na siya sa katawan, kaya ni bakas ng kanyang skin disease, eh, naglaho na.”
Da who ang mataray na singer-actress pero impernes ay mahusay at matalino? Itago na lang natin siya sa alyas na Longganisa.
(Ronnie Carrasco III)