Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NCV Productions ni Nora, bubuhayin

HUMAHANAP lang ng mapagsisingitan ng kanyang busy schedule, pero nakatakdang i-revive ni Nora Aunor ang kanyang NCV Productions.

Sa ngayon ay abala ang Superstar sa kanyang teleserye sa GMA (na hindi pa umeere). Sa kasagsagan ng kasikatan noon ni Ate Guy ay itinatag niya ang NV Productions.

Later, pinangalan niya itong NCV Productions o mga initial ng kanyang pangalan, Nora Cabltera Villamayor.

Sa kasamaang palad nga lang, bagama’t de kalidad ang mga pelikulang ipinrodyus nito noon ay may kung anong problema ang kinaharap nito. Ilang taon ding natigil ang pagpo-produce nito.

With plans of relaunching her own film outfit ay balitang ikina-cast na ni Ate Guy sina Dan Alvaro at Gardo Versoza.

Si Dan ang leading man ni Nora sa NCV-produced na Condemned noong 1984 sa ilalim ng direksiyon ng yumao nang si Mario O’Hara. Si Gardo nama’y nakasama ni Nora sa isang teleserye sa GMA last year.

Hamon para sa Noranians ang pagbabalik-producer ni Ate Guy aside from starring in the movie, of course.

Alam naman kasi nating lahat na majority sa mga tagahangang ‘yon ay walang dudang idinadambana nila ang kanilang idolo, pero pagdating sa pagsuporta ng mga pelikula ni Nora sa pamamagitan ng pagpila at panonood ay kapos.

Samantala, nominado na naman si Ate Guy bilang National Artist for Film na ipinagkait sa kanya ang award noong aministrasyong (PNoyAquino.

Masungkit na kaya ‘yon ni Ate Guy this time na balitang napolitika noon?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …