ANG The Cure ay kuwento tungkol sa isang experimental drug na pumapatay ng cancer cells pero ang side effect naman ay ang mutation ng mapanganib at nakahahawang virus na Monkey Virus Disease or MVD.
Na ang sinumang ma-infect nito ay nagiging rabid at bayolente na mas masahol pa sa isang asong ulol.
Kaya tinanong namin si Ken Chan, kung magkakatotooo ang kuwento ng The Cure at kakalat ang epidemiya at may isang tao lang siya na ililigtas (bukod sa pamilya niya), sino iyon?
“Isa lang? Mahirap ‘yan, ha?
“Isang tao lang talaga?
“Siyempre kung sino ‘yung mahal ko sa buhay.”
Karelasyon ang tinutukoy ni Ken, at nagkataong sa ngayon ay loveless siya.
“Kaya ngayon, kung sakali, wala kong maililigtas,” at tumawa si Ken.
“Pero kung mayroon man akong ililigtas siyempre iyon. Ngayon wala, eh.”
Gumaganap si Ken sa The Cure bilang doctor na si Josh Lazaro.
Ang The Cure ng GMA ay pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez bilang sina Charity and Gregory Salvador; kasama rin sina Jaclyn Jose bilang Dr. Evangeline Lazaro, Mark Herras bilang Darius, LJ Reyes bilang Katrina, Jay Manalo bilang Fernan, Diva Montelaba bilang Suzy, Arra San Agustin bilang Anna, at Leanne Bautista bilang Hope.
Rated R
ni Rommel Gonzales