MUKHANG may magandang patutunguhan ang showbiz career ng baguhang indie young actress na si Lyka Lopez na alaga ng kaibigan naming director at movie producer na si Direk Reyno Oposa.
Aba, star material itong si Lyka na malaki ang pagkakahawig sa Kapuso actress na si Thea Tolentino, na pagbibida ni Direk Reyno ay mahusay din daw umarte. Kaya naman agad niyang binigyan ng dalawang pelikula si Lyka sa ilalim ng kanyang independent movie outfit.
Tapos nang gawin ng dalaga (Lopez) ang “Agulo: Sa Hinagpis Ng Gabi” at malapit na rin simulan ang shooting ng kanyang 2nd movie na “Luib/Betrayal.” Tulad ng iba pang mga alaga ni Direk Reyno na sina Jed Kori, at mag-loveteam na sina Tim Rvero at Amaya Vibal, in the future ay gusto rin magkaroon ng endorsement ni Lyka.
Sa ngayon patuloy sa paghasa sa acting, singing and dancing ang nasabing 14 year old youngstar.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma