Sunday , December 22 2024

Erwin Tulfo, inilinaw na nag-quit siya sa PTV-4 at hindi tinanggal

ISA si Erwin Tulfo sa batikang broadcaster na tinututukan ng marami. Recently ay nagka­ro­on siya ng presscon para sa launching ng Ronda Patrol Alas Pilipinas ng PTV4 at dito’y inilinaw niyang hindi siya tinanggal sa PTV-4.

“Lilinawin ko lang sa inyo at first time lang na maririnig ninyo ito, I wasn’t fired in PTV4, I quit the newscast. I quit iyong programa kong Sa Totoo Lang With The President. I quit para makapag-concentrate ako sa radio at saka rito sa digital media ko po,” pahayag ng isa sa pamosong Tulfo Brothers.

Diin ni Erwin, “No, I wasn’t, maski tanungin ninyo si Secretary Martin Andanar. Actually, si Secretary Martin Andanar who told me huwag ka mag-resign, because after that incident with my brother and sister, e nabubuwisit ako dahil mayroon ho dapat suma­got niyon, (pero) ayaw suma­got. Alam ko ‘yung mga friends ko sa media, they know kung sino ho ‘yung sinasabi kong dapat sumagot diyan.”

Nilinaw din niya na sa ngayon ay wala sa isip niyang pasukin ang politika. Ngunit idinagdag niyang hindi pa niya talaga napag-iisipan nang husto ang bagay na ‘yan.

“I have really no idea kung paano napasok ang pangalan ko sa survey. Sinisisi ko ang nag­sama sa pangalan ko riyan, kung sino ka man, lintik ka na nagsama ng pangalan ko riyan, nagka­le­tse-letse tuloy ang buhay ko. Pati ako napasama sa problema ng mga kapatid ko,” nangingiting pahayag nito.

Patuloy pa niya, “Ayaw kong may masabing sinungaling pala ang hinayupak na ito na sina­sabing period na pero tatakbo rin pala. Darating naman ang pa­nahong makapag-decide na ako at isa pa, ‘di pa ito napag-uu­sapan ng pamilya.”

Ang Ronda Patrol Alas Pilipinas ang unang radio-TV program na mapapanood simul­taneously sa Radyo ng Bayan at PTV-4 tuwing Sabado, 10-11 am. May battlecry na ‘Abot-kamay ang pangarap! Kasosyo mo sa kapayapaan! Asa likod mo kami!’

Kasama sa programa sina Lad Agustin at Loy Oropesa at ang kanilang target ay gawing matitinong mamamayan ang mga Filipino.

Isa sa segment ng programa ay Ang Rainbow Ng Buhay Ko na may kinalaman sa magandang kinabukasan para sa mga tagapakinig sa tulong ng Rainbow Cement Corporation. Ito ay binibigyan-katotohanan ng husband and wife team na sina Matte M. Ureta at Queenie R. Ureta na naniniwala sa kasabihang, “Happiness grows when it is shared.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *