Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Jueteng hataw sa south Metro

HUMAHATAW na naman ang paboritong ‘laro’ ng mga ilegalista — ang jueteng.

Yes, namamayagpag po ngayon ang ‘jueteng’ sa South Metro dahil isang napakagaling na financier sa katauhan ng isang alyas Sani T ang nagpapalarga ng puhunan.

Partner ng financier na si Sani T., ang kanyang mahusay na management sa national — si alyas Balero.

Sa Parañaque, bahala sa kanilang management ang isang alyas Joy.

Uy, meron din sa Las Piñas na kung tawagin ay si alyas Vesmer.

Hindi nagpapahuli ang Taguig dahil naririyan sina alyas Argee Ota at Yon-Yon.

Namamayagpag pa rin si Anguyin sa Pateros.

Ang  Muntinlupa at Makati City, ang sabi ‘e wala raw lumaban dahil natakot daw.

OMG!

Hindi man lang natakot sa PCSO ang mga ilegalistang ang lakas ng loob na buhayin sa kani-kanilang lugar ang jueteng.

Gen. Guillermo Eleazar, Sir, mukhang hindi natatakot sa iyo ang mga operator ng jueteng…

Ano kaya ang dahilan?

FYI Gen. Guillermo Sir, alam mo bang namamayagpag na sa south Metro ang operasyon ng jueteng?!

Naitimbre na ba sa inyo ‘yan?!

O baka naman ‘secret’ lang?!

Gen. Eleazar Sir, pakibusisi lang po!

MCIA T2
BINUKSAN NA!

NOONG nakaraang linggo ay nagkaroon ng inauguration para sa bagong Terminal 2 ng Mactan Cebu International Airport (MCIA).

Ang itinuturing na World’s First Resort Airport na may sukat na 65,500 metro kuwadrado ay tinatayang ginastusan ng P17.5 bilyon at sina­sabing isa ngayon sa pinakamodernong airport sa Asia.

Kasama sa mga nagdisenyo sa nasabing pasilidad ang Hong Kong based Integrated-Design Associated (IDA) at ang mga Pinoy na sina Budji Layug, Royal Pinda at ang sikat na Cebua­nong si designer-artist Kenneth Cabonpue.

Ang highlight at pinakamagandang feature umano ng airport ay curved wooden roof na naka-arko at nakaakma sa layered glass para pumasok ang sinag ng araw at mag-reflect sa tiles ng buong terminal na gawa naman sa iba’t ibang uri ng bato at iba pag concrete materials. Nilahukan din ito ng makikinang na tiles na animo’y buhangin at mga perlas para maging akma sa pakiramdam ng isang tunay na resort!

Mayroon itong 48 check-in counters na puwedeng maging expandable hanggang 72 counters.

Huwaw!

Baka sakaling hindi na nga magtambakan ang mga pasahero sa dami ng counters na ‘yan!

Nilagyan din ng 12 escalators at 15 elevators ang buong airport at ang parking area nito ay kayang umokupa ng 550 hanggang 750 sasakyan.

Tunay nga na kaaya-ayang sumakay rito kung sakaling maaayos pati ang serbisyo ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan na magliling­kod dito.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na siyang nanguna sa nasabing pagtitipon ay hindi naikubli ang paghanga dahil sa marangyang design ng MCIA-T2.

Tinatayang aabot sa 12 milyong pasahero kada taon ang posibleng hakutin ng naturang airport sa simula ng regular na pagbubukas nito sa unang araw ng Hulyo.

Ayon kay Louie Ferrer, president ng GMR Megawide Cebu Airport Corporation (GMCAC), itinayo ang airport bilang sagot sa lumalaking bilang ng mga pasahero at dumarami ring bilang ng flights patungo sa Filipinas.

Ayos!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *