Saturday , December 28 2024

Juday, ipinagluto ang 13 madre sa Vatican

NAGBAKASYON sa Italy nitong nakaraang Abril 15-30 sina Judy Ann Santos at mister niyang si Ryan Agoncillo at dalawang pambihirang experiences ang kanilang naranasan. Isa rito ay nang makita nila ng personal ang Santo Papa na si Pope Francis!

Labis na ikinasaya ni Judy Ann na nakita niya ng personal at malapitan si Pope Francis sa Rome.

“Malapit, pero kasi noong dumaaan siya sa akin nakatigin siya sa kabila, tapos paglagpas niya sa akin at saka siya tumingin sa amin, sa may side namin,” kuwento ni Judy Ann.

“Pero just the thought na nandoon kami at nakita ko siya, okay na ako roon, eh.

“Hindi naman sa hindi ko ginustong hawakan siya pero parang hindi na ako hihingi ng sobra pa sa kung ano ‘yung puwedeng mangyari noong araw na ‘yun.”

Isa pang hindi makalilimutang karanasan ng mag-asawa ay ang kanilang pagluluto ng iba-ibang putahe para sa mga madre sa Vatican City.

“Noong namimili lang ako ng mga souvenir doon sa loob ng Basilica, ‘yung mga madre na Filipino, nakakuwentuhan ko, ‘Sister gaano ka na katagal dito? ‘Dalawang taon.

“‘Nami-miss ko na nga ang adobo, mga sinigang, mga ganyan.’

“Sabi ko, ‘Talaga? Gusto mo ipagluto kita? Ipagluluto kita!’

“Tapos ano lang siya, ‘Talaga, gusto mo?!’

“‘Yung wala siyang hesitation, ‘yung hindi ‘yung, ‘Huy, ikaw naman, huwag ng ganyan.’

“Yung ano siya, ang genuine niyong saya niya. Tapos nagpaalam agad siya sa Mother Superior nila, kasi iba-iba sila ng nationality, eh.”

Sister Joy ang pangalan ng Pilipinang madre na nakilala nina Judy Ann at Ryan sa Vatican City.

At ang mga niluto nina Judai at Ryan ay, ”Angrydobo, monggo, tapos cream cheese leche flan tapos nag-bake ako ng fish na isang buo.”

Ang “angrydobo” ay ang bersiyon ni Judy Ann ng adobo.

“Tapos may salad.”

Labing tatlong madre ang nagsalo-salo sa mga iniluto nila, dalawang Filipina at ang iba ay iba-ibang nationality na.

“Iba,” ang bulalas ni Judy Ann sa tanong namin kung ano ang pakiramdam na magluto para sa mga madre sa Vatican City.

“And mabuti na lang ‘yung hotel din na pinag-stay-an  namin may mga Filipino na staff na off noong araw na ‘yun, they offered to help us that day, kumbaga, ipinag-drive kami, sinamahan  kaming mag-grocery, mamili sa palengke, so naging madali kasi hindi naman kami marunong mag-Italiano, eh.

“So sila ‘yung nagko-converse for us. So kumbaga noong araw na ‘yun, okay lahat, ‘yung sumwak ba.

“Nagkataon lang din na ‘yung palengke may mga Filipinong nagtitinda, so may mga tosino, may tapa.

“Tapos may Indian na nagbebenta ng mga sinigang mix, tapos nagta-Tagalog. ‘Ano kailangan, sinigang mix?’ Ganda, ganda, ano kailangan, patis?’

“So hindi naging mahirap mag-source out ng ingredients kasi nga nagta-Tagalog ‘yung Indian tapos may mga ingredient sila na kailangan. May Maggi Magic Sarap, may Maggi Seasoning sila.

“So lahat ng kinailangan ko nakuha ko kaya kumbaga hindi ko na kinailangang mag-isip ng alternative na ingredients kasi andoon siya lahat.

“Tapos noong nagluluto kami, kasi ‘yung kitchen nila, kompleto ha, maayos, ‘yung makakapagluto ka talaga pero first time kong nagluto na kaming dalawa lang ni Rye.

“Maayos, madali naming nagawa lahat.

“Si Ryan nagbi-video siya tapos noong naluto na ‘yung adobo, siya na ‘yung pinagprito ko, kasi kailangan ko ng gumawa ng iba, so it was… nagkaroon kami bigla ng tandem noong araw na ‘yun, kung how to go about it.

“Tapos nagta-time check siya kasi ako may tendency ako na malibang sa ginagawa ko eh kailangan 7:30 p.m. kumain.

“May point pa nga na hindi naluluto yung isda, hilaw na hilaw pa siya,” at tumawa si Judy Ann. “Tapos ‘yung leche flan hindi pa rin naluluto eh parang 7:10 p.m. na!

“Sabi ko, Lord! Kulang na lang talaga lumuhod na ako sa harap ng oven, ‘My God! Please maluto ka naman!’

“Naluto naman, naluto naman! Saktong-sakto.

“Tapos ang maganda pa kasi roon every time na may pumapasok na mga madre, ‘yung ang sarap pakinggan nila, na para silang mga angehel na tumitili na, ‘Oh my God! You’re cooking too much!’

“Tapos may isang madre na nagsabing the guards were asking anong nangyayari?

“Kasi mabango, naamoy nila ‘yung niluluto eh, wala namang nagluluto ng ganoong kalala sa kanila.

“Tapos ‘pag naglalabas na kami ng pagkain ‘yung nagpapalakpakan sila, ‘yung nakakawala ng pagod kasi alam mong you genuinely made them so happy.

“Tapos pagyakap nila sa amin, yung, ‘Thank you! I love you!’

“Yung ganoon sila, ‘We will pray for you! God bless you.’

“Yung iba hindi namin naiintindihan ang sinasabi pero alam mong tuwang-tuwa sila.

“Yung 9:00 p.m. na wala pang gustong matulog, ‘yung kami na ‘yung nagpaalam kasi nahihiya na kami kasi ang ingay na namin.

“Yung ganoon sila kasaya. Tapos ‘yung ang ganda, halos walang natira sa niluto namin, ‘yung tuwang-tuwa sila talaga.

“Kaya nakatutuwa. ‘Yung pagod kami pero happy ‘yung pagod, ‘yung hindi ka makapaniwala na, ‘My God, nagluto ako sa Vatican!’”

May punto pa na kahit alam niyang hindi naman siya nakikita ng Santo Papa habang nagluluto siya ay kumakaway siya at sumisigaw,  ”‘Nandito po ako, nandito po ako!’

“’Yung ganoon,” masayang kuwento pa ni Judy Ann.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *