Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marichu Maceda, pinarangalan ng FDCP sa Pagdiriwang ng mga Ina ng Philippine Cinema

KINILALA ng Film Develop­ment Council of the Philippines ang isa sa mga Ina ng Industriya ng Pelikula sa Filipinas, si Maria Azucena Vera-Perez Maceda o mas kilala bilang ‘Manay Ichu’ sa event na tinawag na A Spotlight on Mothers of Philippine Cinema.

Si Manay Ichu ay lumaki sa industriya mula sa pamilya na nagmamay-ari ng Sampaguita Pictures, isa sa pinakamalaking film production company sa bansa mula ‘30s hanggang sa ‘70s. Ang Sampaguita Pictures ang gumawa ng classic movies na minahal ng mga Filipino at nakapagbigay ng libo-libong trabaho sa mga filmmakers at talents.

Si Manay mismo ay naging producer ng sikat at highly-acclaimed films tulad ng Dye­sebel at Batch ‘81. Ang kanyang passion at pagmamahal sa industriya ay hindi tumigil sa paggawa ng mga pelikula. Mula sa kinalakihan niya sa Sam­paguita, tumulong siyang makita at mapahusay ang mga ahen­siya na may kaugnayan sa pelikula, isang pagpapatunay na maaari kang maging isang mahalagang bahagi ng industriya ng pelikula kahit na hindi ka kasama sa paggawa ng pelikula.

Tumulong siya na maita­guyod ang Movie Work Welfare Foundation (MOWELFUND), ang Metro Manila Film Festival (MMFF), ang Film Academy of the Philippines (FAP), ang Philippine Motion Pictures Producers Association, ang Experimental Cinema of the Philippines (ECP), at ang Film Development Council ng ang Pilipinas (FDCP) na siya ang namuno sa International Film Festival Committee (IFFCOM).

“Tunay na si Manay Ichu ay isang pambihirang puwersa sa industriya ng pelikula. Naka­tulong siya na maitayo ang mga kasalukuyang haligi ng Philippine Cinema at nakagawa na ng matitibay na hakbang para sa ka­ragdagang pag-unlad nito. Mas higit na karanglan para sa amin na bigyang-pagkilala ang mga nagawa niya sa buhay,” sabi ni FDCP Chairperson Liza Diño.

Sa kanyang speech, binang­git ni Manay Ichu ang mga aral na natutunan niya sa indus­triya. ”Remember that aside from being an art form, this is basical­ly a business, so you have to at least break even so you can recover your investment and produce the second film. Para que pa kayo magpo-produce ng bagong pelikula (kung) kayo lang ang nakaiintindi, wala namang manonood? Hindi na kayo maka­kagawa ng pangalawang peli­kula, tandaan n’yo iyan. Never make a film solely to satisfy yourself. Make your film for a wide audience. Love your craft and love the industry. Don’t expect anything back aside from your investment of course. Huwag mong asahang ibalik kaagad sa’yo ang ipinakita mong pagmamahal sapagkat balang araw babalik ‘yan sa inyo tulad ng tinatamasa ko ngayon,” aniya.

Ang pagdiriwang ay dina­luhan ng mga espesyal na bisita na malapit sa puso ni Manay Ichu tulad nina Gina Alajar, Nova Villa, Gloria Romero, JoAnn Bañaga at Regal producer, Mother Lily Monteverde. Kabilang din dito ang dalawang anak na sina Atty. Ernest Maceda at Erwin Ma­ce­da, kasama ang kanilang pa­milya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …