Thursday , December 26 2024

Bong Go ‘wag kaladkarin kung ayaw sa politika

ILANG beses nang sinabi ni SAP Bong Go, hindi siya nagtatrabaho para ambisyonin ang Senado.

Gumagawa siya batay sa utos ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at bilang suporta rin sa kanyang liderato.

Ilang beses niyang binigyang-diin ang ganyang pahayag at paulit-ulit itong lumalabas sa media.

Kaya nakapagtataka kung bakit nanatili ang pang-uurot ng mga gustong mawala sa tabi ni Pangulong Digong si SAP Bong Go…

Ano ang interes nila?

Kitang-kita na ang mga nambubuyo kay SAP Bong Go na tumakbo sa Senado ay ‘yung mga atat na atat makapuwesto…

Makapuwesto sa tabi ng Pangulo!

E kung hindi, bakit nga pinipilit nilang kumarera sa Senado si SAP Bong Go?!

Isa pang bagay, siyempre, para matapos man ang termino ni Tatay Digong at mawala na sa Malacañang, may makakapitan pa sila sa Senado.

Kaya huwag na kayong magtaka kung bakit biglang ‘nagmulto’ ang mga dating wala na…

Parang mga ‘zombie’ na nagbangon sa hukay.

Biglang naglutangan habang ‘yung iba naman gumagawa ng paraan para tuluyang ibulid sa pamomolitika si SAP Bong Go.

‘Yung mga nambubuyo kaya kay SAP Bong Go lalo na ‘yung natulungan niyang mabigyan ng pu­westo ay nagtatrabaho naman kaya nang maayos para makatulong man lang sa maka­buluhang pagbabagong isinusulong ni Pangulong Digong?!

E baka naman puro sipsip lang kay SAP ang ginagawa? Puwede ba magtrabaho muna kayo?! Gustong mapuwesto sa gobyerno pero puro pamomolitika ang tinatrabaho.

Aba, magtrabaho kayo, hindi ‘yung wala kayong ginawa kundi pag-isipan kung paano katasan at linlangin ang mga kinakapitan ninyo.

Aba ‘e parang takaw na takaw kayo sa PR funds na ilalabas ni SAP Bong Go kapag nabuyo na ninyong tumakbo?!

Hindi man direktang manggagaling sa bulsa ni SAP pero tiyak hahanap ang mga ‘yan ng supporters at donors para ibenta ang pangalan ni Bong Go.

Kumita na, nakasipsip pa kay SAP!

Ay sus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *