Monday , November 25 2024

Allen Dizon, malapit nang maihanay kina FPJ, Erap, Nora, Vilma, atbp.

MULING kinilala ang husay sa pag-arte ng multi-awarded actor na si Allen Dizon nang tanghalin siyang Best Actor sa katatapos na 66th edition ng FAMAS.

Nasungkit ni Allen ang award para sa mahusay ni­yang pag­ganap sa peliku­lang Bom­ba ni Direk Ralston Jover, na gumanap si Allen bilang deaf-mute kaya walang dialogue at kailangang mag-rely siya sa facial ex­pression, hand move­ments at sa kanyang mga mata para mag­pakita ng tamang emo­syon na kailangan sa eksena.

Isa ito sa pinaka­mahirap na role na ginampanan ni Allen, na kinailangan pa niyang mag-aral ng sign language sa St. Benilde-School for the Deaf. Pero dahil natural ang galing ni Allen bilang aktor, plus ang kanyang dedi­kasyon, pagha­handa niya rito sa kanyang role, at sa paggabay sa kanya ni Direk Ralston, nagawa niya nang convincing ang hinihi­nging papel bilang si Pipo.

Dahil sa mga matitinding dagok sa buhay at kawalan ng pag-asa, humantong siya sa sukdulan ng limitasyon bilang indibidwal at animo bombang sumabog.

Ito na ang ika-apat na FAMAS Best Actor trophy ni Allen. Una ay sa pelikulang Paupahan ni direk Joven Tan. Tapos ay sa Dukot ni direk Joel Lamangan at sa Magkakabaung ni direk Jason Paul Laxamana.

Base sa FB post ng proud manager niyang si Dennis Evangelista, nabanggit na isa na lang ay maihahanay na si Allen sa mga naunang naging FAMAS hall of famer na sina Fernando Poe Jr. Joseph Estrada, Eddie Garcia, Nora Aunor, Vilma San­tos at Charito Solis na pawang Famas Hall of Famer awardee.

Nauna rito, nanalo rin si Allen sa pelikulang Bomba sa A-List 33rd Warsaw Film Festival, 16th Dhaka International Film Festival, 4th Sinag Maynila Inde­pendent Film Festival, at 16th Gawad Tanglaw.

Sa taong ito, ang FAMAS jury ay binubuo ng mga prestihi­yosong mga taga-showbiz industry. Kabilang dito sina: chairman ng jury na si Ricky Lee, Direk Eric Matti, Oggs Cruz, Roy Iglesias, Mac Alejan­dre, Patrick Campos, Eduardo Dayao, Emil Hofileña at Ms. Jaclyn Jose.

Anyway, kabilang sa aaba­ngang pelikula kay Allen ang Maguindanao with Judy Ann Santos at ang The Right To Kill na kapwa mula kay Direk Brillante Mendoza. Ginagawa rin ni Allen ang mga pelikulang Persons of Interest with Liza Lorena and Dimples Romana at Latay with Lovi Poe na parehong pinamamahalaaan ng award winning writer-director na si Ralston.

At sa tindi ng tandem nina Allen at Direk Ralston, hindi ako magtataka kung muling hahakot ng acting award dito si Allen at pati na ang naturang mga pelikula.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *