Saturday , December 28 2024

Tony, inirerespeto si Boom ‘di man niya matawag na Daddy

OKEY na pala si Tony Labrusca at ama nitong si Boom Labrusca. Nalaman namin ito habang nagkukuwento ang batang actor ukol sa kung paano niya ipagdiriwang ang Father’s Day sa June 17.

Hindi naman kasi ikinaila ni Tony na hindi sila okey noon ni Boom dahil ang stepfather niya ang nagpalaki sa kanya for 18 years sa Canada. Hiwalay na ang ina niyang si Angel Jones (dating miyembro ng Kulay Band) sa kanyang ama nang ipinagbubuntis pa lamang siya.

Naikuwento ni Tony habang kumakain ito pagkatapos ng paglulunsad ng kanyang bagong business venture, ang Deja Blend na last year ay naipagdiwang niya ang Father’s Day last minute. Kaya this, year, umaasa siyang makasama si Boom at ang stepfather niya at makapag-celebrate muli sila.

“I want to celebrate it sana with both my dad sana, but not at the same time.”  Nasa CamSur sa kasalukuyan ang kanyang stepfather samantalang nasa Palawan naman si Boom.

Natanong ng isang kasamahan sa panulat kung ano na ang tawag niya kay Boom. At sinagot niya ito ng,”Actually, I don’t call him by his first name. Paano nga ba? Basta, I don’t call him by his first name.

“Basta, I just think that there’s a man who raised me and it’s very disrespectful just to give away the name Dad from somebody who’s with me the whole time and to just give it to somebody who just came into my life. I don’t know. I wanna respect everybody but at the same time, I call my stepfather Dad because he was around,” giit ni Tony.

At sinabi pang, ”The relationship, the trust, the bond that we build. I love both of them. I wouldn’t be here if wasn’t for either of them you know what I mean? So, I’m always gonna have a highest respect for them.”

Ukol naman sa pinasok na negosyo ni Tony, tiniyak niyang pinag-aralan muna niyang mabuti ang pakikipag-partner sa WBC Food Kiosk ni JR Cruz, ang bumuo ng Deja Blend on-the-go beverage.

Sa launching at contract signing niya bilang ambassador at Marketing-Advertising manager ng beverage business sinabi ni Tony na magiging hands on siya sa pagtatrabaho rito. Pero, hindi niya iiwan ang pag-aartista.

Aniya, nais niyang paghandaan ang kanyang future kaya pinasok niya ang negosyong Deja Blend na may tatlong branch na, ito’y sa Recto, Legarda, at Taytay. Mabibili rito ang mga paboritong frappuccinos, milk teas, at lemonade o mas kilala bilang “lemonoids”.

“This is something that I’ve always wanted to do. I mean, I am in showbiz but you’ll never know when your time has come in showbiz. So I just really wanted to start looking into ways that I could secure my future.

“I’ve been praying for works that I could support my family if I wasn’t going to be in showbiz so the next option for me was to open a business. So it’s really just a blessing that came at the right time at the right place,” sambit pa ni Tony.

Sinabi pa ng binata na magbubukas na sila ng mga branch sa mall at iba pang lugar sa Metro Manila at kalapit probinsiya. Bukas din sila para sa mga gusting mag-franchise. Tumawag lamang sa 0956-2204450 o mag-log on sa [email protected].

(Maricris Valdez-Nicasio)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *