Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tony, nakisosyo, inihahanda na ang future

EXCITED si Tony Labrusca sa tatlong pelikulang gagawin niya sa iba’t ibang production outfit.

At interesado ang press sa character na gagampanan niya sa DoubleTwistingDoubleBack ni direk Joseph Abello na kasama niya si Joem Bascon. He will portray the role of a gymnast. At ‘di basta gymnast lang. Gymnast afflicted with DID (Dissociative Identity Disorder).

It’s kinda dark and weird. But you will love the movie. Kissing scenes? You really have to watch it para alam niyo the story behind it. I am also doing a movie with “the” Eddie Garcia. Masarap siya katrabaho in ‘ML’ (Martial Law). I was nervous noong una naming scenes. But later on, marami na akong natutuhan sa kanya.”

Nagsisimula pa lang sa industriya si Tony. Pero alam niyo ba ang way of thinking ng binata? Malayo na ang pananaw niya as far as building his future is concerned. Kasabay ng pagpasok niya sa showbiz, sinabayan din ng Marketing graduate ang pagsisimula sa isang venture o negosyo na pang-matagalan. Ang Dèjá Blend. 

Pumasok siya into a partnership na nakatoka sa kanya ang marketing at advertising side ng business. At kahit naman sabihing hindi siya endorser nito, dala-dala na rin niya ang produkto na kakabit sa pangalan niya.

Marami pang branches (at may tatlo na) na thirst quenchers-frappoccinos, milk teas, pearl shakes at ang naidagdag na lemonoids.

Bata pa si Tony pero maaga na nitong pinaghahandaan ang magiging kalagayan niya sa buhay. Dahil alam niya na ang buhay in showbiz is fleeting.

Hinangaan at pinansin si Tony sa naging papel niya sa La Luna Sangre.

Dèjá Blend. Already prepared for you by Tony and their company!

HARD TALK!
Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …