Monday , December 23 2024

Hirit-epal ni Carpio lalong ikapapahamak ng maliliit na mangingisda

IMBES humingi ng opinyon sa mas maraming sektor kung paano aayusin at tutulungan ang maliiit na mangingisda hinggil sa kanilang hinaing mukhang malayo ang tingin nil Justice Antonio Carpio kaya ang mungkahi niya maghain muli ng Arbitration Case sa International Court.

Hindi natin alam kung bakit gustong tumosgas ni Justice Carpio ng milyon-milyong dolyar ang pamahalaan para umupa ng mga dayuhang abogado.

May mga report na nagsabi na umabot sa US$7 milyon ang naubos ng Filipinas sa kasong isinampa noon.

Hindi lang si Justice Carpio, maging ang ibang oposisyon gustong gawing behikulo ng eleksiyon sa 2019 ang isyu ng mga mangingisdang inagawan umano ng isda ng mga Tsino.

Ang mas dapat siguro, ipaubaya ni Justice Carpio ang problema ng South China Sea sa ehekutibo. Mas maraming problema siyang dapat kaharapin para pabilisin ang mga natutulog na kaso sa Supreme Court.

Ang ‘lakas nga raw ng hilik’ ng mga natutulog na kaso sa Supreme Court Justice Carpio, baka raw sa pamamagitan no’n ‘e mapansin mo sila.

Hik hik hik…

Kidding aside, kung papanoorin natin ang buong video documentary, inamin ng mga mangigisda na pagkatapos ng limang taon, noong 2017 lamang sila nakapasok nang malaya at nakapangisda sa Bajo de Masin­loc.

Noong panahon ni Noynoy Aquino, hindi naka­pa­pasok ang mga mangingisda dahil hinaharang sila ng Chinese vessels.

Hindi naman ibig sabihin nito na balewalain ang isyu tungkol sa sinasabing pangunguha ng isda ng mga Tsino sa mga mangingisdang Filipino.

Pero ang dapat kalampagin dito ang Philippine Coast Guard para alamin ang kanilang mga susunod na hakbang upang mas maprotektahan ang mga mangingisdang naglalayag sa Bajo de Masinloc.

Bawat hinaing ng mga mangingisda ay dapat pakinggan at tugunan ng karampatang sangay ng gobyerno.

Kaya hindi lohikal ang panibagong Arbitration case bilang sagot sa mga hinaing ng mga ma­ngingisda. Kung magpapadalos-dalos ang ating pamahalaan, baka mas lalong magipit ang ating mga mangingisda.

Sa panahon ni Pangulong Duterte, naglaan ng P2 bilyon para sa Maritime Safety Capability Project para sa modernisasyon ng Philippine Coast Guard at nagdagdag din ng pondo para sa pag-recruit ng additional na 4,000 na bagong Coast Guards.

Ang kawalan ng kakayahan ng ating Coast Guards na bantayan ang ating mga karagatan ay nag-ugat sa kapabayaan ng mga nakaraang administrasyon.

Namana ni Presidente Duterte ang sirkum­s­tansiya sa mga kapalpakan ng mga nauna.

Sa pamamagitan ng mga formal diplomatic mechanisms, maaaring iakyat ang mga proble­mang kinakaharap ng mga mangingisda.

Sa pamamagitan nito hindi masasayang ang mga bunga nang halos dalawang-taong seryoso at tahimik na pag-uusap ng dalawang panig.

Kung susunod tayo sa padalos-dalos na mung­kahi ni Justice Carpio baka tuluyan nang malu­bog ang ating mga mangingisda.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *