Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Hirit-epal ni Carpio lalong ikapapahamak ng maliliit na mangingisda

IMBES humingi ng opinyon sa mas maraming sektor kung paano aayusin at tutulungan ang maliiit na mangingisda hinggil sa kanilang hinaing mukhang malayo ang tingin nil Justice Antonio Carpio kaya ang mungkahi niya maghain muli ng Arbitration Case sa International Court.

Hindi natin alam kung bakit gustong tumosgas ni Justice Carpio ng milyon-milyong dolyar ang pamahalaan para umupa ng mga dayuhang abogado.

May mga report na nagsabi na umabot sa US$7 milyon ang naubos ng Filipinas sa kasong isinampa noon.

Hindi lang si Justice Carpio, maging ang ibang oposisyon gustong gawing behikulo ng eleksiyon sa 2019 ang isyu ng mga mangingisdang inagawan umano ng isda ng mga Tsino.

Ang mas dapat siguro, ipaubaya ni Justice Carpio ang problema ng South China Sea sa ehekutibo. Mas maraming problema siyang dapat kaharapin para pabilisin ang mga natutulog na kaso sa Supreme Court.

Ang ‘lakas nga raw ng hilik’ ng mga natutulog na kaso sa Supreme Court Justice Carpio, baka raw sa pamamagitan no’n ‘e mapansin mo sila.

Hik hik hik…

Kidding aside, kung papanoorin natin ang buong video documentary, inamin ng mga mangigisda na pagkatapos ng limang taon, noong 2017 lamang sila nakapasok nang malaya at nakapangisda sa Bajo de Masin­loc.

Noong panahon ni Noynoy Aquino, hindi naka­pa­pasok ang mga mangingisda dahil hinaharang sila ng Chinese vessels.

Hindi naman ibig sabihin nito na balewalain ang isyu tungkol sa sinasabing pangunguha ng isda ng mga Tsino sa mga mangingisdang Filipino.

Pero ang dapat kalampagin dito ang Philippine Coast Guard para alamin ang kanilang mga susunod na hakbang upang mas maprotektahan ang mga mangingisdang naglalayag sa Bajo de Masinloc.

Bawat hinaing ng mga mangingisda ay dapat pakinggan at tugunan ng karampatang sangay ng gobyerno.

Kaya hindi lohikal ang panibagong Arbitration case bilang sagot sa mga hinaing ng mga ma­ngingisda. Kung magpapadalos-dalos ang ating pamahalaan, baka mas lalong magipit ang ating mga mangingisda.

Sa panahon ni Pangulong Duterte, naglaan ng P2 bilyon para sa Maritime Safety Capability Project para sa modernisasyon ng Philippine Coast Guard at nagdagdag din ng pondo para sa pag-recruit ng additional na 4,000 na bagong Coast Guards.

Ang kawalan ng kakayahan ng ating Coast Guards na bantayan ang ating mga karagatan ay nag-ugat sa kapabayaan ng mga nakaraang administrasyon.

Namana ni Presidente Duterte ang sirkum­s­tansiya sa mga kapalpakan ng mga nauna.

Sa pamamagitan ng mga formal diplomatic mechanisms, maaaring iakyat ang mga proble­mang kinakaharap ng mga mangingisda.

Sa pamamagitan nito hindi masasayang ang mga bunga nang halos dalawang-taong seryoso at tahimik na pag-uusap ng dalawang panig.

Kung susunod tayo sa padalos-dalos na mung­kahi ni Justice Carpio baka tuluyan nang malu­bog ang ating mga mangingisda.

Tanong ng Bayan
SINO BA TALAGA
ANG MAY MALASAKIT
SA MGA MANGINGISDANG
FILIPINO?

NAKAGUGULAT ang pag-iingay si Party-List Rep. Gary Alejano tungkol sa mga mangingisda sa Scarborough Shoal?

Bilang dating sundalo, bakit hindi niya pagtuunan ng pansin ang pondo para sa moder­nisasyon ng AFP o ng Philippine Coast Guard?

Mukhang nasasama sa tropang “barking up the wrong tree” si Cong. Gary?!

O baka naman gusto niyang ibaling ang sisi sa admi­nistrasyong Duterte para pagtakpan ang mga kapalpakan ng kanyang party-mate na si Senador Sonny Trillanes?

Cong. Gary, huwag po nating gamitin ang kahirapan ng mga mangingisda para sa pan­sariling interes sa politika.

Baka matulad kayo sa inyong party-mate na si Senador Tril­lanes na nagmarunong at nagsimula ng back-channel negotiations sa China kahit hindi naman siya expert sa diplo­matic negotiations.

Baka dapat ay pagtuunan na lang ninyo ang inyong trabaho bilang tagagawa ng batas para sa mga sundalo para hindi nila kayo ikahiya pagkatapos ng inyong termino.

Sa panahon lang po ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte tumaas ang suweldo at benepisyo ng mga sundalo, pulis at coast guard.

Nabigyan din ng mga bagong armas at kagamitan para mas magampanan nila ang kanilang tungkulin sa bayan.

Esep-esep din ‘di ba?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *