NAGULAT kami sa mensahe ng award-winning actress na si Elizabeth Oropesa sa kanyang Facebook account:
“MAYROON PONG IPINAKALAT NA VIDEO SI AZENITH BRIONES. MAY MALISYA DHIL PINALALABAS NYANG MAGNANAKAW AKO. HINDI PO YAN TOTOO DAHIL SARILI KO PONG ALAHAS ANG KINUHA KO NA IPINABEBENTA KO SA KANYA. WALANG IBA. KINUHA KO NG HINDI NAGPAALAM DAHIL HINDI KO NAGUSTUHAN ANG MGA NARINIG KONG SINASABI NYA TUNGKOL SA AKIN AT SA IBA PANG KAIBIGAN DIN NYA. SINABI KO SA KANYA NA HINDI KO SYA SISINGILIN. WALA AKONG HININGING PERA. MAY MGA TESTIGO AKO. IDEDEMANDA KO SYA. MASYADO SYANG MAPANIRA NG TAO. NAG APOLOGIZE PA AKO. SINABI KO,NA DALA LANG NG GALIT KO. PURO DIOS ANG BINABANGIT NYA TAPOS GANITO? ANONG KLASENG TAO ANG GAGAWA NG GANITO? NAAWA AKO DHIL BAKA KAILANGAN NG PANSIN.”
Bentahan ng alahas between friends.
Azenith, bumuwelta
kay Elizabeth:
MARAMI NA SIYANG
NILOKONG TAO
AND because Azenith Briones is a good friend, tinanong ko siya sa naturang akusasyon.
Sa pagbisita ko naman sa page ni Azenith, may tumambad na agad na videos sa akin which really got me curious.
Ang caption:
“CCTV footage of what happened in Gensan last April 10 when this person stole her own jewelry in my big yellow Fendi bag. It’s my bag. She told me help me to sell it but I was so shocked why she stole it in my bag when she can get it to me anytime. What’s her problem? Is she sick? She keeps on denying it but miracles happened.”
And by the miracles that happened, Azenith is referring to the CCTV that was able to capture the act.
Nagpapabenta nga raw ng mga alahas niya si Elizabeth kaya nagulat siya sa ginawa nito. At base naman daw sa circle of friends nila, umano ay may mga kaso na rin si La Oro na hindi maganda gaya sa kuwento sa kanya ni Vivian Velez (na okay lang naman daw na i-name drop niya).
Magkakasama sila sa isang lakad in Gensan. Matagal na nga itong nangyari pero hindi mapakali si Azenith. Nalaman na rin ni Elizabeth ang tungkol sa CCTV at nakiusap na nga ito na huwag nang ilabas.
Sa punto ni Azenith, babala sa iba ang gusto niyang mangyari.
“Simple lang naman. Kung nagbago ang isip niya at ayaw niya na ipabenta eh, ‘di kunin niya sa akin sa tamang paraan. Kausapin niya ako. Magkakasama lang kami roon. Kung walang CCTV, ano sa tingin mo? Ako ang magbabayad sa kanya ng alahas kasi lalabas na naiwala ko. ‘di ba? Magaling siyang artista talaga. Pero hindi na magsisinungaling ang mga nakunan ng CCTV sa kanya. Marami na siyang niloloko mga tao. Pati dyan sa panggagamot niya. Pati kami na mga kaibigan niya ginaganyan niya. Isa sa friends namin ang nakaalam about the CCTV. Ayaw din nga nila sabihin nung una kasi nga baka raw magkagulo. Pero naglalabas tayo ng totoo.”
Saan hahantong? If this was the 70s or the 80s siguradong may magsasabunutan. Wala pang CCTVs noon at social media.
HARD TALK!
Pilar Mateo