Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Louie, planong gawan ng daring na movie si Marian Rivera!

EXCITED na si Direk Louie Ignacio sa kanyang pagbabalik-Cinemalaya. Ang entry ng Kapuso director ay School Bus na tatampukan ni Ai Ai delas Alas. Ito ang second time na sumabak sa Cinemalaya si Direk Louie, una ay via Asintado na kumubra ng ilang awards para kay Direk Louie at sa bidang si Aiko Melendez.

Nabanggit ni Direk Louie na tinatapos na niya ang naturang pelikula mula sa BG Productions ni Ms. Baby Go at ibang Ai Ai na naman daw ang makikita rito.

“Ibang Ai Ai ito, hindi siya komedyante rito, kundi isang aktres. Si Ai Ai, bago iyong ipinakita niya rito. First time niyang naging bad girl, first time niyang nagmumura ng malulu­tong talaga, nananapak ng mga bata,” saad ni Direk Louie.

Samantala, sa naturang event ay nalaman namin na planong gawan din ng movie ni Direk Louie ang Kapuso Prime­time Queen na si Marian Rivera. Kung matutuloy ito, pasabog daw ang naturang pelikula na gusto niyang gawin sa movie company ni Ms. Baby Go. Gaganap umano kasi sa daring na role bilang prostitute rito si Marian.

Aside from Ai Ai, sino pa ang gusto mong gawan ng movie? “Ang gusto kong gawan na susunod, si Marian,” matipid na sagot ni Direk Louie,

Ano sa tingin niya ang bagay na role at movie kay Marian? “May pinag-uusapan kami pero hindi ko pa alam kung… gustong-gusto niya, hindi ko lang alam kung kakayanin ng schedule. Pero pasabog kasi iyong project na ‘yun if ever, e.”

Kapag sinabi mong pasabog na role kay Marian, anong ibig mong sabihin? “Out of the box siya, na puwede pala siya maging prostitute. Nagkukuwen­tohan lang kami, pero ‘di ko alam kung gusto ng management niya. Puwede kasing gusto ng artista pero ayaw ng management or ‘di pa prepared for that ‘di ba? Pero ang ganda…”

Kung matuloy, mae-excite ka ba sa project with Marian? “Ay sus, ako nga nag-propose sa kanya. Walang ibang aktres akong kinausap, siya lang, kanya lang iyong project.”

Ayon naman sa lady boss ng BG Productions na si Ms. Baby, handa siyang gawin ang pelikula with Marian. Alam din nilang excited na si Marian dahil kakaibang project ito. “Isa rin iyan sa nakaplano na, dahil gusto namin talagang makuha si Marian. Isa ito bale sa possible project na tatampukan ng big stars ng bansa,” saad ni Ms. Baby.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …