Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
toni gonzaga

Toni, naospital nang magsagala

MAY hindi makalilimutang kuwento si Toni Gonzaga minsang may-reyna sa isang Santacruzan.

Iyon ay nangyari sa Boac, Marinduge na kasama ni Toni ang ibang artista.

Habang nasa prusisyon na sila’y biglang may naghagis ng kwitis sa kanyang white gown. Siyempre, magreresulta iyon ng pagkasunog kaya nag-panic sila.

Kaya sa halip na matuloy ang pagsasagala, sa ospital siya dinala.

Kuh, pinuri ng mga taga-Bustos Bulacan 

MASAYA si Kuh Ledesma noong mag-guest sa 700 Club Affair na ginanap sa Galeli Resort, pag-aari nina Mr. at Mrs. Narcing Perez ng San Pedro, Bustos, Bulacan.

Very warm ang pag-estima sa kanya roon ng mga taga-Bustos. Napuri rin ng mga tagaroon si Kuh dahil wala raw ere na feeling sikat kung umasta sa harap ng mga tao.

Anak ni Barang, Cum Laude

BIRTHDAY ni Talavera, Nueva Ecija ex-Councilor Barbara Milano noong May 29. Kuwento ni Barang (tawag kay Barbara), nagpapasalamat siya kay Lord na nakaahon siya sa kahirapan.

Dating sa bukid sa Nueva Ecija nakatira si Barang at salat sa mga gamit.  Ngayon happy si Barang dahil Cum Laude sa Pre-Med ang nag-iisa niyang anak na si Queenie.

Miguel, nakatikim ng matinding sampal kay Bianca

TATLONG sunod-sunod na sampal ang inabot ni Miguel Tanfelix buhat kay Bianca Umali sa Kambal Karibal. Tinangkilik kasi Miguel ang pumatay sa tatay ni Bianca kaya nasampal niya ito.

Kuwento ni Bianca, nahihiya siya kay Miguel dahil mukhang nasaktan ito. Kung hindi naman niya gagawin iyon, baka masigawan sila ng director.

Pagli-lider ni Coco, inalmahan

UMAALMA ang mga tagahanga ni Lito Lapid na nakakuwentuhan namin noong mapag-usapan ang seryengAng Probinsyano.

Hindi kasi sila sang-ayon na si Coco Martin ang lider ng grupong Vendatta.

Anila, higit na dapat si Lito ang mag-lider dahil siya ang lider sa kanilang samahan sa bundok. Mas kilala rin ng karakter ni Lito sina John Arcilla at Jhong Hilario na nagtraydor sa samahan nila.

Bakit sa istorya si Coco na ang nakaaalam ng mga dapat gawin at si Lito ay naging sunod-sunuran na lang?

Hindi ma-take ng mga tagahanga ng senador na patakbo-takbo na lang si Lito kasunod ni Coco.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …