Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Para malinlang at mabitag si Lakas (Enrique Gil), Ganda (Liza Soberano) iba-iba ang anyo sa “Bagani”

CONSISTENT pa rin ang “Bagani” sa mataas nilang ratings na umaabot na sa 33% to 36% at isa lang ang ibig sabihin nito palawak nang pala­wak ang fan base ng LizQuen love team nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Sa ilang teleserye na ginawa nina Liza at Enrique ay pinatunayan nila nang ilang beses ang lakas ng dating nila sa tele­viewers.

At itong Bagani, ang itinuturing na pinaka­magastos na drama-fantasy series ng dalawa. Sa set pa lang ay makikitang ginas­tusan talaga nang husto ng Star Creatives at ABS-CBN kaya’t napupuri ang production design nito na kabog ang kalabang network.

By the way, sa latest episodes ng Bagani uma­pir na naman si Liza Soberano bilang si Ganda, at ito ay upang linlangin at bitagin si Lakas (Gil) sa pamamagitan ng paiba-iba nitong anyo. Kaya ang tanong ng marami kailan babalik ang dating si Ganda na mabait at kapakanan ng kanyang katribu ang laging iniisip.

Siyempre isa lang din ang inaasahan ng hukbo-hukbong LizQuen fans sa buong mundo, ang magkaroon ng romance o sweet moments ang mga idolo nila dito sa Bagani.

Patuloy na napapanood ang top-rating evening series Monday to Friday after FPJ’s Ang Probinsyano sa primetime block ng ABS-CBN2.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …