Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pag-asang pagbabago para sa illegal drug victims ipinagkaloob ng Caloocan LGU

BUKAS na ang Balay Silangan Reformation Center, isa sa rehabilitation and therapeutic center na itinayo ng pamahalaan para sa mga biktima at nalulong sa illegal substances kagaya ng illegal na droga.

Bilang anti-illegal drug advocate, natutuwa tayo sa proyektong ito ni Caloocan Mayor Oscar Malapitan sa tulong ng national government — ang pagtatayo ng isang rehabilitation and therapeutic centerna makatutulong sa pagbabagong-buhay ng mga nalulong sa illegal substances.

Pinasinayaan na ang Balay Silangan Reformation  Center na may mga bagong gusali at pasilidad sa Camarin. Kabilang sa mga panauhin nang pasinayaan ito ay sina DILG Undersecretary Eduardo Año, PDEA Chief Aaron Aquino, Dangerous Drugs Board Chairman Catalino Cuy, at dating NCRPO Chief Camilo Cascolan.

Labis ang pasasalamat ni Mayor Malapitan kay Presidente Rodrigo “Digong” Duterte dahil kauna-unahan ang Caloocan sa buong Metro Manila at pangatlo sa buong bansa na nilatagan ng Balay Silangan program.

Binasbasan ito ni Fr. Luciano Felloni ang nagbasbas sa mga bagong gusali habang ang lahat ng dumalo ay lumagda sa Manifesto of Commitment para sa makatao at maka-Diyos na pagsagip sa mga biktima ng droga.

May 30-bed capacity, ang Balay Silangan ay pananahanan ng mga “drug surrenderee” na hindi nakapasa sa ipinatutupad na “Community-Assisted Rehab and Recovery Out-Patient Training System (CARROTS) sa Caloocan City na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan at walong simbahan sa lungsod.

Dapat maging ehemplo ang Caloocan City sa pagpapatayo ng proyektong ito bilang kaa­gapay ng Pangulo sa pagsusulong ng masidhing anti-illegal drug campaign.

Alam nating naging madugo ang unang arangkada ng kampanya lalo sa mga matitigas ang ulo at mga nanlalaban.

Mayroon pa ngang mga matatapang na LGU officials na kilalang sangkot sa illegal droga pero parang pinalalabas na sila ang ‘inaapi’ ng pamahalaan.

Mabuti na lamang at mahigpit ang pagkapit at matikas ang tindig ni Tatay Digong sa kanyang kampanya.

Naging kontrobersiyal nang bahagya ang kampanya pero sa kalaunan ay napatunayan ng Pangulo na wasto lamang ang kanyang ginagawang paglilinis at pagsusulong para wakasan ang paghahari ng illegal na droga sa bansa.

Sanay magpatuloy pa sa ibang lungsod ang pagpapatayo ng mga kagayang facility.

Kudos Mayor Oca Malapitan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *