Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina Alegre, pinagsasabay ang showbiz at public service

NAGAGALAK ang aktres/politican na si Ina Alegre dahil mu­ling nabigyan ng chance na maka-arte sa harap ng camera. Nakapanayam namin si Ms. Ina sa birthday party ni mayor Leandro Panganiban ng Pola, Oriental Mindoro. Si Ina ang vice mayor sa naturang municipality.

Pansamantalang nawala siya sa showbiz limelight nang pumasok sa politika at nanalong Vice Mayor. Bago ito, naging beauty queen siya at nagkaroon ng magazine show sa ANC at Radyo Negosyo sa DZMM. Siya rin ang Secretary General ngayon ng Lady Local Legis­lators League (4L).

“May pelikula ako ngayon, Men in Uniform, asawa ako ni Alfred Vargas. Happy ako kasi after how many years, nakaga­wa uli ako ng movie and hindi ko nga akalain na ganoon siya kaano,” saad ng aktres/politician na maybahay ni Eastern Visayas Police Regional Office director, Chief Supt. Gilbert Cruz.

Na-miss niya ba ang show­biz? “Yeah, oo. Nagkakailangan nga kami ni Alfred ‘yung time na aakapin niya ako roon sa movie. Alam ninyo noong inaakap niya ako, nailang ako, dahil siguro matagal na akong ‘di nakagawa ng movie.”

Pero nag-enjoy ba siya na nakabalik sa showbiz? “Yeah, sobrang happy ako.  Gusto nila iyon, happy sila (her con­s­ti­tuents) na nakikita akong lumala­bas ulit sa pelikula.

“Next year, I’ll run for mayor and the mayor will be the… my vice mayor.”

Nabanggit ni vice mayor Ina na hindi niya inaasahang papa­sok siya sa politika. ”Actually that’s from my heart e, hindi nga pumasok sa akin na politiko ako. Never pumasok sa isip ko na vice mayor ako and never pumasok sa isip ko na nandito ako sa larangan ng politika, ‘no. Hindi ko alam, siguro dahil nasa puso ko ‘yun. It really comes from my heart na I really want to help, gusto kong makatulong sa mga tao.”

Ilan sa mga proyekto sa ngayon ni vice mayor Ina ay ang pamimigay ng 7,000 slippers sa kanyang mga kababayan, pro­grama para sa senior citizens, scholarship program sa kaba­taan, livelihood, arts, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …