Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby Go, may bagong movie company at contract stars

PATULOY sa paghataw ang masipag at workaholic na movie producer/businesswoman na si Ms. Baby Go. Ngayon ay dala­wa na ang movie company niya, bukod kasi sa BG Productions International ay itinatag na rin niya ang Global Films Production International Inc.

Ayon sa lady boss ng natu­rang film outfit, “BG Productions is not closing its doors to film production. We will be doing well-crafted movies and potential award-winning movies that we will send to compete in film festivals abroad. Global Films Production Intl. Inc. will focus in doing commercial films or mainstream movies that also has quality and will cater to the local audiences.”

Dagdag niya, “Abangan na lang natin, itong taon ang aking mga pasabog sa bago kong company. Of course, maraming stars dito, malalaking stars talaga pero hindi ko muna puwedeng sabihin dahil kapag sinasabi ay nauudlot, e. Pero bahala na ang ating Panginoon kung saan niya ako dadalhin.”

Ayon naman sa VP ng BG Productions na si Ms. Jean Go Marasigan, “Itinayo ang bagong movie company para ma-dis­tinguish sa indie at mainstream. Kasi, kilala na ang BG sa pa­giging indie movie company, tatak na niya iyon e. Iyong Global Films ay talagang pang-mainstream naman.”

Susunod na aabangang pelikula sa movie company ni Ms. Baby ang Latay sa direksiyon ni Ralston Jover na pinagbibidahan nina Allen Dizon at Lovi Poe with Snooky Serna at Mariel de Leon, at ang School Service ni Direk Louie Ignacio. Ito ay tinatam­pukan nina Ai Ai Delas Alas at Joel Lamangan at entry sa Cinemalaya Independent Film Festival 2018. Nasa pre-production stage na ang mga proyekto nina Joel Lamangan, Mel Chionglo, Neal Tan, at Joey Romero.

Bukod sa bagong production company, ipinakikilala rin ang mga bagong talents ng production ni Ms. Go. Kabilang dito sina Jasmine Henry (half Australian at potential beauty queen), ang aktres/producer at MTRCB board member na si Ms. Kate Brios, Angelo Mamay, child star Celine Juan na introducing sa School Service, young singer Renz Buster, Lady Diana, Rhea Usares, ang magkakapatid na sina Wynona Calderon, 18, Woersha Calderon, 15, Walline Calderon 14, Welcy Calderon 10 and Winber Calderon 7 at ang mga kapatid ni Celine Juan na sina Jillian Angel Suan at Jordhen Suan.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …