Monday , November 18 2024

Sunshine, Joel, Dupaya, pare-parehong biktima

MAGKASUNOD na nagpa­tawag ng presscon last week ang kampo ni Joel Cruz ng Aficionado at ng babaeng negosyanteng inaakusahan nilang umano’y nang-scam sa kanila.

Nauna muna ang pangkat ni Joel na sinamahan nina Sunchine Cruz, Ynez Veneracion at iba pang non-showbiz alleged victims. Hindi naman ito pinalampas ng kanilang pinararatangan na si Kathy Dupaya na may sarili ring presscon para naman sa kanyang panig.

Common sa magkabilang kampo ang balak na pagsampa ng kaukulang demanda laban sa isa’t isa.

Kung mga kuwento nila ang pagbabasehan, malinaw na milyones ang halagang involved. Ang may pinakamalaking amount na umano’y naloko ni Dupaya ay ang kay Joel, na noong turn naman ng businesswoman na humarap sa press ay wala sa bansa.

Hindi klaro sa amin kung anong klaseng investment ang umano’y gawain ni Dupaya. Ito ba ‘yung karaniwang nating naririnig at nababalitaan na “pyramid”?

Ayon kay Sunshine na milyong piso rin ang inilagak sa negosyo ni Dupaya, inakala niyang additional income sana ang kikitain ng kanyang pera. Single parent nga naman siya sa kanyang mga anak kay Cesar Montano.

Kung pyramid o networking ang negosyo ni Dupaya’y may principal na involved, na mula roon ay kikita ang pera ng investor. Tubo lang ang nakukubra ng namuhunan, at saka na ang buong principal.

Ang claim ni Dupaya’y kumita na raw sa kanya si Sunshine ng P5-M. Hindi malinaw sa amin kung dahil sa halaga ng profit na ‘yon ay bale lumalabas na amanos na sila vis a vis ang capital investment ni Sunshine.

Baka ‘yung P5-M na sinasabi ni Dupaya ay ang nag-aacumulate ng tubo sa ipinuhunan ng aktres, same with the other investors.

Isang mahalagang leksiyon ang iniiwan ng kasong ito tungkol sa mga nakaeengganyong investment package.

Madalas tayong nakakabalita ng ganyang uri ng negosyo na madaling maka-attract (o makasilo?) ng mga investor sa laki ng porsiyentong kikitain ng kanilang pera kompara kung ilalagak lang nila ‘yon sa banko.

Hindi namin sinasabing scammer si Dupaya, baka rin kasi isa rin siyang biktima ng panloloko ng ilang taong kanyang pinagkatiwalaan.

Sa aminin man natin o hindi, ang perang nagmumula sa dugo’t pawis natin ay mas masarap namnamin kaysa easy money na napakadaling mapasakamay natin nang walang kahirap-hirap.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *