Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marawi ni Piolo, ibebenta sa abroad

APAT ang pelikulang ginagawa ni Piolo Pascual kasama rito ang Marawi na mismong sa Marawi City nila kinukunan. Kasama rito ni Piolo si Robin Padilla at ito’y mula sa Spring Films, na isa sa may-ari ay ang Kapamilya actor.

Kabilang din sa apat ang launching movie nina Iñigo Pascual at Maris Racal, ang animation movie na Hayop Ka!.

At ang ikatlo ay ang Cinemalaya entry na Kuya Wes na pagbibidahan naman ni Ogie Alcasid.

Ani Piolo, “We’re selling it (Marawi) abroad at maraming distributor ang interesado. Ipapasok din namin sa Toronto Film Festival at Sundance Film Festival.

“After that, we’re going to show the movie here in September. Ayaw naming padala sa playdate.”

Sa rami ng ginagawa ni Piolo, hindi halata ang pagkapagod sa kanya. ‘Ika nga ng ibang mga kasamahan sa panulat, tila hindi tumatanda ang actor. Ang sikreto, ang pag-inom ng collagen.

Anang actor, ito ang sikreto niya para mapalitan ang mga nawalang nutrient sa katawan niya.

Kuwento ni Piolo sa paglulunsad ng bagong ineendoso niyang produkto, ang My Daily Collagen, dalawang klaseng collagen ang ibinigay sa kanya, at ang My Daily Collagen ang napili niya.

Dahilan ng actor, maganda ang CEO ng Global Wellness Enterprises, si Anna Perez. “At saka purely Pinoy ang company,” giit ng actor.

At dahil sa pag-inom ng My Daily Collagen tuwing gabi o bago matulog, nakararamdam siya ng malaking pagbabago sa katawan.

Natikman namin ang My Daily Collagen, at masarap siya dahil sa may lasang mangga. Mabibili ito sa halagang P149 kada botelya at mabibili sa Mercury Drug, Rose Pharmacy, at South Star Drug nationwide.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …