Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joel Cruz, Ynez at iba pa, ‘di uurungan si Dupaya

PINASINUNGALINGAN ni Atty. Jasmin Sy, Afficionado’s corporate counsel na expired ang mga pabangong ibinenta ni Joel Cruz kay Kathy Dupaya.

Iyon ay bilang tugon sa sinabi kamakailan ni Dupaya na pawang expired ang mga pabangong dinala sa kanya.

Sinabi pa ni Sy na kompleto sila ng returns na pina-file nila sa BIR. Iyon ay tugon naman sa tinuran din ni Dupaya na isusumbong sila sa Bureau of Internal Revenue.

Sinabi naman ni Atty. Ferdi Topacio na bukod sa estafa, sasampahan din  nila ng kasong libelo si Dupaya.

Sa kabilang banda, tinawanan naman ni Ynez Veneracion si Dupaya sa sinabi nitong idedemanda siya ng libel sa Jolo, Sulu.

Aniya, “Kakasuhan daw ako sa Jolo, Sulu. Wala namang court doon ‘di ba? At saka hometown daw niya kasi ‘yun. Paano po siya magkakaso roon? Hindi naman po siya permanent resident. Pero sige po, pupunta ako roon. Magkikita kami, charot!”

Idedemanda naman ni Ynez si Dupaya ng cyber crime at libel dahil umano sa pagmumura at panlalait sa kanya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …