Friday , November 15 2024

Mayor Fred Lim nagbabala vs. fake news; itinangging bise niya si Jamias sa 2019

PINAG-IINGAT ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim ang kanyang mga tagasuporta laban sa pagkalat ng fake news mula sa mga pekeng social media accounts gamit ang kanyang pangalan.

Ayon sa dating alkalde, fake news ang napapabalitang pag-endoso niya sa pagtak­bo ni Gen. Elmer Jamias bilang bise alkalde niya sa Maynila.

Sinabi ni Lim na bagama’t walang anomang ‘di pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Jamias ay itinanggi ng dating alkalde na kanyang ini-endoso ang huli bilang paglilinaw sa mga nagtatanong sa kanya.

Ginawa ni Lim ang paglilinaw bilang reksiyon sa kumalat na fake news post sa ‘Katapat Fred Lim’ isang Facebook account na may larawan pa ng dating alkalde.

Sa naturang FB post ay pinalitaw na humihingi ng suporta ang dating alkalde para sa pagtakbo ni Jamias sa Maynila bilang kanyang bise.

Agad nagpaimbestiga si Lim at natuklasan na peke at gawa-gawa lamang ang naturang FB account na walang permiso mula sa kanya.

Inilinaw ni Lim na isa lamang ang kanyang lehitimong Facebook account— Alfredo Siojo Lim — na pinamamahalaan ng kanyang pamangkin at dito lamang mababasa ang anomang opisyal na pahayag mula sa kanya.

Kamakailan lang natuklasan ng dating alkalde na may mga nagbukas ng iba’t ibang accounts sa Facebook gamit ang kanyang pangalan pero lahat ito ay pawang mga peke.

Pinasasalamatan ni Lim ang malasakit ng mga taga-suporta na nag-ulat at nagparating sa kanya tungkol sa ipinakalat na fake news sa mga pekeng social media accounts.

Idiniin ng dating alkalde na susuportahan lamang niya kung sino ang pipiliin ng partido na kanyang makakatambal sa 2018 midterm elections matapos siyang makapanumpa kay Sen. Koko Pimentel bilang miyembro ng PDP-Laban.

“Kung sino ang pipiliin ng PDP-Laban to be my vice mayor, ‘yun lang ang susuportahan ko at ihihingi ng suporta, wala nang iba.

Idinagdag ni Lim na kanyang ipauubaya sa PDP-Laban ang pinal na pasiya sa pagpili ng mga nagnanais kumandidato at mga lumalapit sa kanya.

Nanawagan din si Lim sa publiko na maging maingat dahil nauuso ang pagkakalat ng fake news habang papalapit ang 2019 elections.

SUPPORTERS NA OFW
NI DIGONG SA SOKOR
TINABLA NG PH EMBASSY

TUMANGGAP tayo ng sumbong mula sa ilang kababayan nating OFW na initsapuwera ni Ambassador Raul Hernandez at ng kanyang mga asungot sa Philippine Embassy na mapabilang sa mga makakaharap ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte kahapon sa kanyang official visit sa South Korea.

Masama ang kanilang loob dahil may dalawang linggo nilang kinasabikan at pinaghandaan ang okasyon na makaharap nang personal si Pres. Digong at marinig ang kanyang talumpati sa mga kababayan nating OFW sa SoKor.

Bale ba, ang mga desmayadong kababayan natin mula pa sa malayong probinsiya ng SoKor ay ‘di alintana ang mahigit 265 kilometrong layo ng biyahe patungo sa lungsod ng Seoul para lamang personal na maipakita ang kanilang suporta kay Digong.

Narito ang reklamo na ating natanggap kamakalawa, Sabado (June 2):

“Two weeks ago, nag-announce ang Philippine Embassy sa mga community kung sino ang gusto sumama sa venue pagdating ni Pres. Duterte. Bale 72-katao kami nag-confirm na sasama. Tapos nitong Friday (June 1) afternoon, biglang nag-send ng message ang embassy sa mga community na lilimitahan lang ang pwedeng sumama sa venue. Ang nakapagtataka, bakit napakaliit ng venue na kinuha ng embassy gayong ang daming malalaking stadium dito. Before pa nga, ayaw nila ipa-post sa social media ‘yung pagdating ni Pres. Digong, for security reason daw. Dito sa amin from 72 na-reduce to 48-katao na lang ang puwedeng sumama at sila na rin nag-raffle kung sino puwede. ‘Yung mga tao rito nag-prepare pa naman para sa nasabing event. Nag-propose ako sa president ng community namin na kahit ‘di kami kasama sa venue pupunta pa rin kami bilang pagsuporta ke Pres. Duterte. Ang mga nasa embassy mga bata pa ni P-Noy with Ambassador Raul Hernandez. Ang basa ko rito, parang gusto nilang mapahiya si Pres. Duterte na kakaunti ang pumuntang Filipino sa event n’ya. Na-survey nila no’ng una kung gaano karami ang nagpalista. Then, ini-reduce nila. Balak nga naming gumawa ng mga placard din, sa labas ng venue kami maghihintay. ‘Yung Philippine Independence Day nga rito ‘di na siya gano’n kagarbo sa panahon ni Pres. Duterte, unlike the past 3 years sa term ni PNoy, napakagarbo ng mga event.”

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *