Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mag-ingat sa scam huwag masilaw sa dobleng ‘income’

BABALA sa lahat ng mga naniniwalang mabilis kumita ng pera kahit walang pagod at hirap.

Sa mga naniniwalang ang kanilang nakatagong pera sa banko ay kikita nang malaki at doble sa mga iniaalok sa kanilang ‘investment’ e mag-isip-isip po kayong mabuti.

Totoong napakaliit ng interes sa banko kung doon lamang nakalagak ang pera ninyo pero huwag naman kayong maniniwala na kikita nang doble, agad-agad kapag nag invest kayo sa kanila.

Kahit po sa 5/6 hindi agad kikita nang kalahati ang mga pera ninyo, diyan pa kaya sa investment na hindi naman ninyo alam kung paano lalago ang pera ninyo.

Sa lotto lang po nangyayari ang jackpot, pero tsambahan pa.

Gaya na lang ng mga naloko nitong si Margarita Huang alyas Irma Pascual na sinabing nakagoyo ng P130.5 milyones sa mga ‘investor’ na napaniwala nila.

Ibang klase ang estilo ni Huang. Ang pina­kamababang hinihingi sa investor ay P250,000. Ang alok ay 6% hanggang 50% ang kikitain ng investment nila.

O ‘di ba, sino ba naman ang hindi mararahuyo nitong si Buang ‘este Huang sa kanyang alok.

Sa umpisa, pakikitain ni Huang ang investor pero habang tumatagal pati ‘yung investment nalulusaw na rin.

At dahil kumita nga, mang-aalok sa mga kaibigan at kaanak para ‘makakurot’ sa kikitain ng bagong investor.

Pero hindi naman daw tanggap nang tanggap si Buang ‘este Huang ng investment. Ang estilo nito medyo pihikan at suplada pa.

Hindi raw siya basta tumatanggap ng investment. Tatanggap lang daw siya kapag may nag-full-out na at kailangan munang interbyuhin ang nais mag-invest.

O ibang klase ‘di ba?

Kaya lalong nagkainteres mag-invest ang mga gustong madoble ang pera nila.

Pero ‘yan sa bandang huli, umabot na pala sa P130.5 milyones ang nasikwat nila sa mga investor na halos inipon nang kung ilang taon ang pera nila pero maloloko lang pala ng isang buang na gaya ni Huang.

Kaya ngayon, ‘yung mga nag-alok sa mga kaibigan at kaanak na mag-invest kay Huang, sila ngayon ang sinisingil ng mga inalok nila.

Moral lesson po: huwag kayong basta maniwala sa mga ganyang investment. Kung hindi ninyo kayang mag-hands-on sa negosyo, esep-esep po muna bago mag-invest at huwag masilaw sa mga alok na next to impossible.

Sabi nga, ang naghahangad ng kagitna, sangsalop ang nawawala.

SOLVENT BOYS
SA M. OROSA ST.,
SA ERMITA
GARAPALAN NA

HALOS ilang bloke lang ang layo ng M. Orosa St., sa Manila Police District (MPD) Headquarters at sa estasyon ng MPD Ermita police station (PS5) na nasa kabilang dulo lang ng T.M. Kalaw St., sa Katigbak Drive malapit sa Manila Hotel, pero tila hinahamon sila ng solvent boys na walang takot na nagsisinghutan sa harap ng Corporate Inn at Mang Inasal.

At hindi lang po ‘yan sa gabi nangyayari, kahit sa araw makikita ang solvent boys na nagyayaot mula sa kanto ng T.M. Kalaw at Taft Avenue patungo riyan sa tambayan nila sa M. Orosa St.

Nasaan ang mga lespu na mayroon pang outpost sa Plaza Salamanca?!

Supt. Emery Abating, sir, may mga pulis pa ba kayo?!

Aba, parang wala nang nagrerekorida sa mga kalyeng maituturing pa namang tourist area.

Anyare Kernel Abating?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *