Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ama ni Ellen, pumanaw na

SUMAKABILANG-BUHAY na ang ama ni Ellen Adarna, si Alan Modesto Adarna matapos ma-cardiac arrest.

Sa Instagram post ng isang netizen na may handle name na @floraltouchby­cathy, isang litrato ng kabaong ang inilagay nito na may caption na, ”Our condolences and Prayers to the Adarna’s Family. God grant you Eternal Peace Sir Alan Adarna.”

Kasunod niyon ay ang pagtatanong ng isang follower ng, ”Daddy ni Ellen namatay maam?” Na sinagot naman iyon ng, ”Yes.”

Habang isinusulat namin ang balitang ito’y wala pang official statement ang pamilya ni Ellen na kilala ang pamilya nila sa Cebu na nagmamay-ari ng maraming negosyo kabilang na ang kanilang chain of motels na Queensland na may mga branch din sa Manila at Davao.

Maya’t maya rin naming tsine-tsek ang IG nina Ellen at John Lloyd Cruz para makompirma ang balitang ito subalit wala silang post.

Sa IG account naman ni @Jlc_Ellen, nakalagay doon ang quote card na nakasulat ang ”Rest in peace!”

Samantala, nagtaka naman kami nang i-tsek uli naming ang IG ni  @floraltouchbycathy, ay wala na ang post nito ukol sa ama ni Ellen.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …