Friday , November 15 2024
arrest posas

Pugante arestado sa biyaheng CamNorte

ARESTADO sa mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang isang preso, may kasong pos­session of illegal drugs, na natakasan ang duty desk officer kamakailan.

Balik-selda ang sus­pek na kinilalang si Leonardo Retiro, Jr., resi­dente sa Dulong Herrera St., Brgy. Ibaba, Malabon City, na nahaharap sa kasong paglabag sa pos­session of illegal drugs o  Section 11 ng R.A. 9165.

Ayon kay District Special Operation Unit (DSOU) S/Insp. Robert Bunayog, dakong 3:00 pm, nang kanilang aresto­hin si Retiro habang sakay ng DLTB bus patungong Daet, Camarines Norte sa Turbina bus station, Brgy. Turbina, Calamba City, Laguna.

Matatandaan, 19 Mayo, habang si PO3 Er­nesto Estrellas Jr., ang duty desk officer ng DSOU, pinayagan niya si Retiro na makalabas ng selda dakong 9:30 am nang dumaing ng pana­nakit ng tiyan.

Pinayagan ng pulis si Retiro na humiga sa isang upuan sa labas ng kan­yang selda para mabigyan ng kaginhawaan habang hinihintay ang kanyang kasama na magdadala sa kanya sa pinakamalapit na ospital upang mabig­yan ng medikal na atensiyon.

Makalipas ang ilang sandali, humingi si Retiro kay Estrella ng isang basong tubig ngunit pagtalikod ng pulis ay tumakas ang preso.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *