Monday , December 23 2024

Mall-based Consular offices pinalawak pa ng DFA

BILIB tayo sa pagiging innovative ng Department of Foreign Affairs (DFA) para nga makaabot ang kanilang serbisyo sa mga kababayan natin na nasa malalayong probinsiya.

Imbes nga namang magbiyahe pa ang mga kababayan natin mula sa malalayong probinsiya upang kumuha ng passport, inilunsad nila ang mga proyektong maglalapit ng kanilang serbisyo sa publiko.

Kahapon, malugod na inianunsiyo ng DFA ang pagpasok nila sa kasunduan sa SM Prime Holdings at Gaisano Group para sa pagbubukas ng apat pang mall-based consular offices na makatutulong sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

“We would like to thank SM Prime Holdings and the Gaisano Group for expanding their partnership with us.”

Sinabi ito ni Secretary Alan Peter Cayetano matapos lumagda sa memoranda of agreement kasama ang SM Prime Holdings at Gaisano Malls para sa libreng renta ng consular office sa kanilang mga mall.

“We expect to serve the public better and quicker with the opening of these additional consular offices that would be hosted by our private sector partners at no cost to the government,” masayang pahayag ni Secretary Cayetano.

Ang mga bagong DFA consular office ay matatagpuan sa SM City Dasmariñas, Cavite; SM City San Pablo, Laguna; SM Cherry Foodarama Antipolo, Rizal; at sa Gaisano Mall sa Tagum City.

Ang kasunduang pinirmahan ay Public-Private Partnership agreements sa SM at Gaisano. Kasunod ito ng pagpapasinaya ng mga bagong consular office sa Robinsons Malls sa San Nicolas, Ilocos Norte, Santiago City, Isabela, at Tacloban City sa Leyte.

Hindi lang ‘yan. Mayroon pang tatlong consular offices ang tinatayang bubuksan sa Malolos City, Bulacan; Paniqui, Tarlac; at sa Ozamiz City o sa Oroquieta City sa Mindanao.

Ipinagmalaki din ni Secretary Cayetano na ang mga bagong consular offices ay mas malaki kaysa mga kasakukuyang nasa mall.

Aniya, “Our new consular offices are bigger than our existing mall-based offices and will have facilities that will promote a more efficient work flow which will contribute towards faster passport application processing.”

Siyempre hindi nakalimutang pasalamatan ni Secretary Cayetano si Presidente Rodrigo “Digong” Duterte sa mga inisyatiba upang maging posible sa DFA na palawakin ang kapasidad nito para magbigay ng serbisyo sa publiko sa ilalim ng pinirmahang Executive Order 45 noong Oktubre 2017 na may layuning magtatag ng mga karagdagang consular offices.

Maging si Foreign Affairs Assistant Secretary for Consular Affairs Frank Cimafranca, ay nagsabing malaking tulong ang pagbubukas ng mga bagong opisina ng DFA para lalong palawakin at palakasin ang kapasidad ng DFA sa pag-iisyu ng pasaporte sa bawat mamamayan.

Sinabi ni Assistant Secretary Cimafranca, bukod sa bagong consular offices ay dinoble rin ng DFA ang bilang ng mga van para sa Passport on Wheels Program, kasama ang Mobile Outreach Services para mas maraming passport applicants ang matulungan hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga probinsiya.

Habang ang consular office sa Aseana sa Parañaque ay patuloy ang operasyon, mula Lunes hanggang araw ng Sabado simula pa noong Enero 2018.

“We can be expected to continue our efforts to not only increase our passport production capacity but also make our consular services more accessible to the public,” pagtitiyak ni Assistant Secretary Cimafranca.

Kudos to Secretary Alan and to the rest of our Consular officials.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *