Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lotlot, kompiyansang kaya ni Janine ang mga basher

“I’M Vicky, I play the mom of Justin. Kasama ko rin si Yul Servo who plays the character of Jeff, papa ni Justin. It’s a story of Justin, how he faced his fears and kung paano siya naging matatag and kung paano ginawa lahat ng mga magulang niya para ipaglaban ang buhay ng anak nila and kung paano nila nalampasan ang mga pagsubok na dumating sa kanila.”

Ito ang Magpakailanman na may pamagat na, Ang Batang Hindi Tumatanda na kuwento ni Justin Amar na may isang kakaibang karamdaman.

Idinirehe ito ni Rechie del Carmen na gagampanan mismo ni Justin ang  sariling karakter at kasama sina Kyle Ocampo, Princess Guevarra, at Althea Ablan.

Gaano naka-relate si Lotlot sa kuwento ng Magpakailanman?

“As a parent gagawin mo ang lahat para sa ikabubuti ng anak mo. Na kahit na nasasaktan si Mama Vicky kapag nakikita niya na nasasaktan ang anak niya ay hindi niya ipinakikita.

“Instead she gives her son the courage to fight all the trials. Sa kanya humuhugot ng lakas ang pamilya.

“I guess parang ganoon din ako sa mga bata ‘pag may pinagdaraanan sila.”

Speaking of anak, nagsisimula na ang pag-atake ng mga basher sa anak ni Lotlot na si Janine Gutierrez gayong wala pa namang announcement kung si Janine nga o hindi ang leading man ni Alden Richards sa upcoming family drama/adventure/fantasy series na Victor Magtanggol.

May mga fan kasi sina Alden at Maine Mendoza na ang nais ay si Maine ang katambal ng aktor sa mga project ng GMA.

Ano ang masasabi ni Lotlot tungkol dito, sa tingin ba niya ay kakayanin ng anak niya ang mga basher?

“Yes po, kaya niya! Noong bago or noong umpisa pa lang siyempre parang na-culture shock siya.

“Hindi naman kasi sanay si Janine… noong una dahil wala naman talaga siya sa showbiz. Pero little by little naintindihan na rin niya.”

May ipinapayo ba si Lotlot kay Janine?

“Matatag naman ang anak ko although ipokrita ako kung sasabihin ko hindi ako nasasaktan para sa kanya. Kahit nagtatrabaho ka lang ang daming opinyon.

“Pero ‘yan naman ang una ko pa lang in-explain sa kanya before she decided to enter itong trabaho na napili niya.

“Marami siyang maririnig, may maganda, may hindi maganda but as long as wala naman siyang ginagawang mali at focused siya sa work okay na ‘yun.

“Kasi nga you can’t please everyone. Ako nga ang lagi niyang pinaaalalahanan na huwag papatol,” at tumawa si Lotlot.

“Siyempre anak ko ‘yan, kapag sa akin kaya kong harapin pero iba pala talaga ‘pag anak mo na ang kinukutya.

“But then again she’s strong and I’m really proud of her.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …