Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Nasaan ang P25-bilyong kita ng gobyerno sa Malampaya Plant?

MULING uminit ang ulo ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte dahil sa korupsiyon.

Pero sa pagkakataong ito, dahil sa biglang pagtaas ng  presyo ng mga produk­tong petrolyo kasunod ng pagtaas ng presyo ng mga batayang bilihin, bigla rin naalala ng Pangulo ang eskandalo at korupsiyon sa Malampaya Plant.

Ayon sa Commission on Audit (COA) hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ma-reconcile kung saan napunta ang P25 bilyong kita ng Malampaya.

Matatagpuan ang Malampaya Plant sa West Philippine Sea, ang teritoryo kung saan sinasabing may interes ang bansang China.

Marami ang nangangamba na isa sa target ng China ang oil pro­duction sa nasa­bing lugar kaya umano sila nagiging agresibo kapag pinag-uusapan ang West Philippine sea o South China sea para sa kanila.

Taong 1989 ito natuklasan pero nagsimula ang produksiyon ng langis noong 2001.

Ibig sabihin ilang administrasyon na ang nagdaan at wala naman tayong nabalitaan na humina o tumigil ang produkdiyon ng gas sa Malampaya pero lumalabas na hindi napupunta sa gobyerno ang bahaging dapat matanggap mula sa eksplorasyon nito.

Ang higit na masaklap, ang matuklasan natin na ang Malampaya Deepwater gas-to-power project na P900 milyones na dapat sana ay kita ng pamahalaan ay napunta sa non-government organizations (NGO) na pinatatakbo ni Janet Lim Napoles imbes ipagkaloob sa mga biktima ng bagyo at pan­tustos sa mga renewable energy projects.

Akala natin noong una, nang sampahan ng kaso at makulong si Napoles ay naiwa­wasto na ang paggamit sa pondong nangga­galing sa Malampaya, pero hindi rin pala.

Kasi, natuklasan na naman ni Pangulong Digong na hanggang ngayon ay hindi pinaki­kinabangan ng pamahalaan ang share mula sa Malampaya.

Tsk tsk tsk…

Idineklara ng Pangulo na hindi siya titigil hangga’t hindi natutuklasan kung saan o kanino napupunta ang kinikita mula sa Malampaya lalo na ngayong matindi ang nagaganap na inflation.

Mantakin ninyo P25 bilyones?!

Wattafak!

Imbes nakatutulong sa pangangailangan ng bansa, e iilan lang ang namumunini sa nasabing pondo — mga walang kasiyahan at kakon­ten­tohan!

Hindi ba’t isa ito sa dahilan ng pagka­kakulong noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ginamit laban sa kanya ng adminis­trasyong Aquino?!

Sana’y hindi mapagod si Pangulong Digong na sugpun ang korupsiyon sa pamahalaan…

Malapit man sa kanya o siya mismo ang nagtalaga sa tungkulin…

Pero sana rin, huwag namang resign lang, asuntohin din nman at panagutin sa ilalim ng umiiral batas.

BI BICUTAN
DETENTION CELL
SINALAKAY
NG CIDG

GAANO kaya katotoo ang nasagap nating ‘info’ na nagsagawa raw ng spot raid and inspection ang mga taga-PNP-Criminal in­vestigation and Detection Group or CIDG diyan sa Bureau of Immigration Wardens Facility (BIWF) sa Bicutan?

Wala raw timbre sa mga taga-BIWF ang nasabing raid kaya “caught flatfooted” ang ilang mga nagbabantay noong oras na iyon?!

Cellphones, laptops at ilang mga ipinag­babawal na gadgets ang nakompiska sa mga banyaga kasama ang hindi mabilang na halaga ng pera na pagmamay-ari ng mga preso.

Sonabagan!

Hanggang ngayon pala mayroon pang ganyan sa loob ng BI bicutan detention cell?

Hindi pa gaanong malinaw sa atin ang kompletong detalye tungkol sa dahilan ng biglang pagsalakay ng mga taga-CIDG.

Pero may mga nagsasabi na may basbas daw ito galing sa itaas para hulihin ang mga lumalabag sa patakaran ng BIWF.

Gaya na rin ng unang plano nina former DOJ Secretary Vitaliano Aguirre, mas mabu­ti talaga kung lagyan na ng CCTV ang loob mismo ng kulungan.

Hangga’t hindi maipatutupad ang security measure na ‘yan ay babalik din sa dati ang da­ting sistema mula pa noon lalo’t kasabwat ang ilang mga nagbabantay sa pasilidad na ‘yan!

Noon pa man ay maraming banyagang preso ang sobrang pasaway sa loob ng kulu­ngan ng immigration.

Naiulat pa nga natin noon na may impor­masyon tayo na may isang kuwarto sa pasilidad na ito, na doon ginagawa ang lihim na pa­sugalan?!

May mga dumarayo pa raw na ibang foreigners para lang magsugal sa loob na pinatatakbo ng isang Korean detainee.

Hindi lang natin alam kung tuloy pa rin hanggang ngayon ang mini-casino riyan?!

Sana naman ay hindi na.

I think it’s about time na mga Marines or former Marine officers na lang ang kunin ng Immigration para i-deploy diyan sa BIWF para tuluyan nang masugpo ang kalokohan ng mga preso sa loob!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *