Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, ayaw ng kasing-edad o taga-showbiz na BF

SA unang pagkakataon in an interview ay naging open si Kris Bernal tungkol sa kanyang lovelife at sa boyfriend niya of eight months na si  chef Perry Choi.

“Siya ang nagturo sa akin na magluto sa kitchen, chef kasi siya at siya ang supplier ng lahat ng raw materials ko.”

May burger kiosks kasi rati si Kris, ang MeatKRIS na isinara na niya last April dahil magbubukas siya ng isang malaking Korean restaurant.

Pinaka-nagustuhan ni Kris kay Perry bukod sa ito ang nagturo sa kanya na magluto ay, ”Very mature siya, he can decide on his own and alam kong maga-guide niya ako. 

“Na-realize ko kasi ‘pag kasing edad ko or parehong nasa showbiz parang pareho lang kaming naglalaro, eh.

“Or kung hindi naglalaro parang parehong source of income lang namin itong showbiz, so ‘pag nawala ‘yung showbiz, ‘yung career, parang, ‘Ano ang puwede nating gawing pareho?’”

Chef si Perry sa sarili nitong kompanya.

Pinag-uusapan na ba nila ni Perry ang tungkol sa kasal?

“Hindi pa! Eight months pa lang kami.”

Pero si Perry na ang nais niyang mapangasawa?

“Somehow, siyempre at the moment siya na nga.

“At saka hindi naman ako nakikipag-relationship din ng hindi long-term, eh.”

Chinese si Perry at wala namang problema sa parents nito si Kris. May lahing Chinese rin kasi sina Kris. Chinese ang ina ni Kris na Tan ang apelyido.

“Pero we didn’t practice kasi the Chinese traditions, eh.”

Nakilala na ni Kris ang mga magulang ni Perry.

“Okay naman at saka at first I made sure talaga na  hindi ko kailangang, alam mo ‘yun, mag-adjust. “In fairness naman sa family nila.”

Madaling makasundo ang pamilya ni Perry at business partner ni Kris ang boyfriend niya.

Sa The Cure ay guest si Kris bilang si Myra na asawa ni Elmer played by Matt Evans.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …