Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ahron may bagong biro kay Cacai: Sige na, anakan na kita!

FRIENDSHIP na ang nama­magitan ngayon kina Ahron Villena at Cacai Bautista. Ito mismo ang sinabi ni Ahron nang makatsikahan namin sa last shooting day ng Wander Bra ni Direk Joven Tan ng Blue Rocks Productions.

“Yes. This time, siyempre from what happened, ‘yun naman talaga ang totoo sa amin. Lalo na kapag nag-uusap kami, simpleng masaya lang at wala naman talagang isyu na magsyota kami noon pa. Inakala lang naman talaga nila noon na jowa niya ako and everything pero sa totoo lang, wala talaga. Ngayon ay matalik kaming magkaibigan ni Cacai and that’s it!” paglalahad ni Ahron ng walang kiyeme.

Paano nga ba nag-umpisa ang isyu niyong usaping magjowa sila?

“Nag-umpisa iyon noong nagpunta kami ng Japan. Tapos may isang picture kami na kini-kiss ko siya, na wala naman sa amin ‘yun dahil wala naman talaga. ‘Yung sweetness naming actually ang nabigyan ng kulay. Tawa nga ako ng tawa sa kanya kasi that time while nasa immigration kami, nakasunod ako sa kanya, tapos tinanong yata siya kung kasama niya ba ako? Sumagot siya ng yes, tapos sinabihan siya niyong japanese na ‘ow..is that your son?’ See? Napagkamalan pa talaga siyang anak niya ako kaya tinatawag ko siyang Mommy! Biruan!” aniya.

Ngayong okey na sila, ano naman ang latest pang-aasar niya sa matalik na kaibigang si Cacai?

“Sinabihan ko na siya actually na ‘sige na, anakan na kita!’ Pero ayaw niya eh! Sabi niya sa akin, ‘sige, gawin mo nga,’ so, parang, ‘di ba? Ganoon kasi kami eh! Walang seryoso kalog naming pareho kaya siguro nandiyan pa rin kami,” aniyang pa tsika sa amin.

Totoo bang si Cacai ang nagsabi sa direktor ng Wander Bra na isama siya sa pelikula?

“Actually ako! Ako talaga! Noong malaman ko na gagawin niya ang movie, sabi ko, nagbiro akong, ‘isama mo naman ako Direk!’ Ganoon! Hahahaha! Ayon first day last day naman ako!” natawang kuwento pa ni Ahron.

Nang ibalik namin kay Cacai ang binitiwang salita ni Ahron na aanakan siya nito, ito naman ang isinagot ng aktres, “Naku! Tigil-tigilan niya ako! Sa iba na lang! Ayoko pang magkaanak noh! Sa iba na lang, huwag sa akin!” bungisngis namang tsika sa amin ng The Dental Diva na magpi-feelingerang napakaganda at napaka-seksi sa pelikulang Wander Bra.

Abangan!

REALITY BITES
ni Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …