“KUNG hindi ka ba naman gago…”
‘Yan mismo ang sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa sinibak niyang Government Corporate Counsel na si Rudolf Philip Jurado kaugnay ng pagbibigay ng go signal para sa gambling franchise sa Aurora Pacific Economic Zone and Freeport (Apeco).
“You are fired, I do not need you and maybe you do not need me!”
Ganyan kalupit ang statement ng Pangulo.
E sino nga naman ang hindi iinit ang ulo ‘e ang ‘wish’ pala ni Jurado magtrabaho sa Philippine Amusement Gaming Corporation (Pagcor) at mag-aproba ng mga casino.
Hindi pala pagiging OGCC counsel ang tipo niya.
Hakhakhak!
Madam Andrea “Didi” Domingo, mukhang mas interesado si Atty. Jurado sa posisyon ninyo hindi sa OGCC…
But wait…
Ang sabi ni Atty. Jurado e, nagbigay lang siya ng opinyon at hindi nagbigay ng gambling franchise sa Apeco.
Pumirma lang umano siya sa legal opinion na maaaring mag-operate ang awtoridad labas sa hurisdiksiyon basta’t nasa loob ng teritoryo ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
By the way, Atty. Jurado, tama ba ang opinyon na ‘yun?
Basta ang sabi ng Pangulo… “Kung hindi ka ba naman gago…”
‘Yun lang!
‘RED TAPE’
SA BUSINESS PERMITS
KAILAN KAYA MAWAWAKASAN
SA MGA DELINGKUWENTENG
SIYUDAD?
ISA ito sa dahilan kung bakit may mga lungsod na hindi business friendly.
Matindi ang “red tape” sa kanilang business permits and licensing office.
‘Yun bang taon-taon kahit business permit renewal na lang, ang dami-dami pang hinihingi sa mga aplikante?!
May for the boys pa!
Talagang matindi!
Kaya ‘yung ibang negosyante, lumilipat na lang ng lugar kung saan magnenegosyo. ‘Yung hindi sumasakit ang ulo at bulsa nila.
Kaya hindi tayo nagtataka kung bakit maraming namumukadkad na negosyo sa Parañaque, Las Piñas, Makati, Caloocan, at Muntinlupa.
Sila ang mga siyudad na very business friendly at hindi sasakit ang ulo ng mga negosyante, maliit man ‘yan o malaki.
Ewan lang natin ‘yung ibang siyudad kung business friendly din…
Parang wala tayong naririnig na positive feedbacks.
Congratulations po sa lahat ng business friendly cities!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap