Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

7 entries ng ToFarm Film Festival, inihayag

INIHAYAG na kahapon ni Filmmaker Bibeth Orteza, ToFarm Filmfest director ang pitong pelikulang nakapasok sa kanilang ToFarm Film Festival.

Ang pitong entry ay ang 1957, Alimuom, Fasang, Isang Kuwento ng Gubat (The Leonard Co Story), Lola Igna, Mga Anak ng Kamote, at Sol Searching.

Ang 1957, ay isang historical drama na isinulat at idinirehe ni Hubert Tibi. Ito ay ukol sa mga magsasaka sa Bicol na nasa ilalim ni Don Pepe, isang istriktong landlord. Ang Alimuom ay isang science fiction, na isinulat at idinirehe ni Keith Sicat.

Isang period romance naman ang Fasang na isinulat ni Charlson Ong na ibinase sa classic Philippine short story na Tanabata’s Wife. Siya rin ang sumulat ng screenplay ng The Ghost Bride ni Chito Roño.

Ang Isang Kuwento ng Gubat (The Leonard Co Story) ay isang biopic naman na isinulat ni Rosalie Matilac, idinirehe nina Ellen Ongkeko-Marfil, Rosalie Matilac, at Milo Paz.

Cultural drama naman ang Lola Igna na isinulat at idinirehe ni Eduardo Roy Jr., na kinunan sa Sagada.

Futuristic drama ang Mga Anak ng Kamote na isinulat ni John Carlo Pacala at idinirehe ni Carlo Catu. Samantalang ang Sol Searching ay isang dark comedy na isinulat at idinirehe ni Roman Perez Jr..

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Dr. Milagros Ong-How sa maraming entries na isinumite at natanggap nila sa taong ito.

Kasama ni Orteza si direk Joey Romero sa paghahayag ng mga nakapasok na entries sa ToFarm.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …