Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vic at Coco, nagsanib-puwersa para tapatan si Vice Ganda

HINDI pa man ay aligaga na ang ilang movie company na nagbabalak lumahok sa Metro Manila Film Festivalsa darating na Disyembre.

Tulad ng inaasahan, mayroon na namang entry si Vice Ganda. Sa katunayan, inupuan na raw ng tinaguriang Unkaboggable Star ang tema ng proyekto kasama ang ilang bumubuo ng Star Cinema.

Ayon kay Vice, maganda ang naging resulta ng kanyang pakikipag-usap dahil nag-swak ang mga idea nila.

Samantala, maugong ang balitang as usual ay mayroon ding ipi-field na entry sina Vic Sotto at Coco Martin. Pero ang twist, magsasanib-puwersa sina Bossing at Coco para tapatan ang movie ni Vice.

Kung matatandaan, ang nag-joint forces two years ago (2016) ay sina Vice Ganda at Coco laban kay Vic. The following year—noong isang taon—ay labo-labo na silang tatlo.

Vic fielded Meant To Bhe na nakaka-disappoint ang sinapit sa takilya, samantalang pinag-ugatan naman ng ‘di pagkakaunawaan ang separate entries nina Coco (Ang Panday) at Vice Ganda (The Revengers; Gandarappido).

Hindi na kami magtataka kung mabubuhay muli ang warlalu nina Coco at Vice Ganda. Nagkataon pa kasing mas pinili ni Coco na makipag-alyansa kay Vic, host ng Eat Bulaga na rival noontime show ng It’s Showtime na host si Vice Ganda.

Pero kung si Vice Ganda ang tatanungin ay kompiyansa ito. Wari’y hindi dahilan ang Vic-Coco tandem para mangamba siya.

Playing safe pa nga ang komento niyang ang mga moviegoer naman ang makikinabang sa kanilang pinanonood na pinaghahandaan ng mga bituing tampok doon.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …