Monday , December 23 2024

Pinakiusapan na nga kayo, ‘di pa kayo naniwala

BINALAAN na nga kayo, ayaw n’yo pang maniwala. E di kulong kayo! Dapat lang! Salot kasi kayo sa Philippine National Police (PNP).

Tinutukoy natin ang dalawang bugok na pulis na nadakip nitong nakaraang linggo ng Rodriguez (Rizal) Police Station dahil sa pagtutulak ng droga sa lalawigan ng Rizal.

Katunayan, nang bigyang babala ni Eleazar ang mga pulis sa Calabarzon region, masasabing isa tayo sa saksing nakarinig sa kanyang babala. Binalaan niya ang mga loko-loko pulis “scalawags.”

Sa kanya tayo bilang suporta sa direktiba ni Police Regional Office IVA Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kaugnay sa paglilinis o “internal cleansing” sa hanay ng pulisya partikular sa PRO na ipinagkatiwala sa opisyal.

Sa talumpati ni Eleazar nitong 24 Abril 2018, sa turnover ceremony sa Camp Vicente, Canlubang, Calamba City (Laguna), isa sa ipinunto ng opisyal, prayoridad niya ang paglilinis sa hanay ng pulisya sa Calabarzon. Sinabihan at binalaan ang mga “hoodlum in uniform” na tumigil na sila sa kanilang mga kalokohan. Hindi kayo maka­pagtatago sa akin, abot-kamay lang kayo sa akin, kaya mas mabuti pa ay magbago na kayo!”  Iyan ang babala ni Eleazar.

Pero, tila minaliit at tinawanan lang ang babala ng opisyal sa pag-aakala ng ilang pulis-Calabarzon na nagbibiro  si Eleazar o hanggang satsat lang ang mama.

Tsk…tsk…tsk…maling-maling pag-aakala dahil hindi nagbibiro ang Heneral. Nasabi nating mali ang pag-aakala at masasabi ko rin, hindi hanggang satsat o papogi si Eleazar, dahil (uli) saksi tayo kung paano panindigan ni Eleazar ang kanyang direktiba o babala laban sa mga salot na pulis.

Nasaksihan natin ito nang maging District Director si Eleazar sa Quezon City Police District (QCPD) sa loob ng isang taon at siyam na buwan. Halos 100 pulis-QC na sangkot sa droga, pangongotong at iba’t iba pang kaso ang kanyang ipinatapon sa kangkungan at kinasuhan. Ilan sa kanila ngayon ay nahaharap sa summary dis­missal habang ang iba ay may mga nasuspende na.

Ang iba naman ay patuloy na binabangungot dahil itinapon sa Mindanao.

At heto nga, sa lalawigan ng Rizal, isa sa area of responsibility (AOR) ng PRO  IV-A, inakala nina PO1 Ivan Henrick Ramos Tavas at PO2 Benjo Villanueva Sionilo, na papogi lang ang babala ni Eleazar.

Hayun, ang ‘inakala’ ang naging mitsa ng pagkakaaresto sa dalawa – dinakip sina Tavas at Sionilo sa ikinasang buy-bust operation ng Rodriguez Police Station nitong 25 Mayo 2018 matapos bentahan ng shabu ang mga operatiba.

Hindi man malaking halaga ng shabu ang nakompiska sa dalawang pulis, sapat na ito para matuldukan ang katarantadohan nila.

Sa impormasyon na nakarating kay Eleazar, ikinatuwa ng pamahalaan ng San Mateo at Rodriguez ang pagkakadakip sa dalawang pulis.

Bagamat AWOL ang dalawang pulis, pero patuloy sa pagtatago sa tsapa at uniporme, para maikonsiderang aktibo sila hanggang wala pang kautusang sibak na sila sa pagkapulis ngunit sa pagkakahuli ng dalawa, ani Eleazar, hindi lamang kulong ang magiging parusa nila kundi, malamang tanggal na sila sa pagkapulis.

“Tapos na tayo sa pakiusapan. We may have programs on the reformation of our personnel through our internal cleansing program but when the situation dictates, we have to do the right actions to stop these nefarious acts,” pahayag ng Regional Director.

Kaya sa mga patuloy na gumagawa ng kalokohan at nagtatago sa kanilang tsapa at uniporme, ano man ang pagkukubling gawin ninyo, abot-kamay kayo ng kampanya ni Eleazar sampu ng matitinong opisyal at tauhan ng Calarbarzon.

Ops, baka makalimutan natin. Ating sina­saludohan ang Rodriguez Police na pinamu­munuan ni Supt. Pablito R. Nangnan, sa pagka­kaaresto sa dalawang pusher na pulis.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *