TINIYAK ni Senate Committee on Finance chair, Senadora Loren Legarda na hindi mapupunta sa korupsiyon ang P1.1 bilyon supplemental budget para sa mga biktima ng Dengvaxia.
Ayon kay Legarda, base sa Senate version, nais niyang magamit ang pondo sa tamang panahon o hanggang sa 2019 bago matapos ang kanyang termino bilang senador.
Hindi makapapayag si Legarda na ang pondo para sa Dengvaxia ay ipo-pondo para sa medical assistance ng mga mambabatas para magamit sa nalalapit na halalan.
Hindi rin makapapayag si Legarda na magiging mabagal ang proseso sa paggamit ng pondo para sa mga biktima dahil alam ng DOH ang pangalan ng mga biktima na nasa listahan ng nasaksakan ng Dengvaxia. Tiniyak ni Legarda, 101% na maaaprobahan ang P1.1 bilyon supplemental budget para sa Dengvaxia victims bago matapos ang sesyon ngayong linggo. (CYNTHIA MARTIN)