Saturday , December 28 2024

Tunay na nangyari sa Marawi, inilahad sa Ang Misyon: A Marawi Siege Story

“NAIS kong ipakita ang tunay na nangyari sa Marawi. Marami pa ang nangyayari roon.” Ito ang tinuran ni Cesar Soriano ukol sa kanyang unang idinireheng pelikula, ang Ang Misyon: A Marawi Siege Story na pinagbibidahan ni Martin Escudero hatid ng ABS-CBN FilmsCineScreen sa ilalim ng produksiyon ng GreatCzar Media Productions at mapapanood na sa Mayo 30.

Sa special screening ng Marawi Siege na ginanap sa Dolphy Theater noong Biyernes ng gabi, inilahad ni Soriano kung bakit ito ang ginawa niyang pelikula.

Aniya, madalas siyang maipadala para i-cover ang mga kidnapping at terrorist encounter sa Mindanao. At sa isang assignment ay nalagay ang kanyang buhay sa isang paganib.  Naging biktima siya ng isang pagdukot.

“One time noong kinidnap ‘yung American missionary, si Charles Walton (1994), ‘yung president natin nasa America, si Pangulong Fidel Ramos. Ipinadala ako roon kailangang mai-relese si Walton pero ang nangyari, pumunta si dating Vice President Joseph Estrada to solve the crisis.

“He declared a news blackout. As a reporter po napakasakit niyon kasi ayaw namin ng news blackout kasi may quota kami ng istorya, everyday sa desk namin dapat ganito ang istorya. Ano ang gagawin namin? Wala kang istorya, wala kang kuwentang reporter.”

Kaya naman ipinagpaalam niya na i-cover ang naturang pangyayari.

“Talagang hinanap naming ‘yung Abuy Sayyaf, hinanap naming ‘yung kumidnap, dumating kami sa Patikul, Sulu, ‘yun na nasalubong namin. Noong nasalubong kami, sinaktan ako, sinipa-sipa, hindi kami pinauwi. Akala ko pupugutan na ako ng ulo. Sumulat na ako sa mother ko na nagpapasalamat sa pagpapalaki sa akin.”

Pero hindi nawalan ng pag-asa si Soriano at nakaisip siya ng strategy na sinabi niyang, ”Sino magko-cover kung mai-release ito? Sinabi ko sa Abu Sayyaf na sayang kung hindi ito maite-televise, so, ‘yun ini-release rin kami.”

Si Soriano ay kilala ngayon bilang news anchor sa Radyo Inquirer. Dati siyang reporter ng ABS-CBN na kasabayan sina Gus Abelgas, Henry Omaga-Diaz, at Pia Hontiveros.

Umiikot ang kuwento sa Ang Misyon: A Marawi Siege Story sa mundo ng muslim registered Nurse na si Sajid Tumawil (Escudero) na nasadlak sa isang kaguluhan imbes na manilbihan bilang isang simpleng nurse sa mga kababayang maysakit. Sa kabila nito, matutuklasan ng militar na siya ay kabilang sa mga extremist na grupo ngMaute Islamiyah na mayroong bipolar personality.

Sinabi pa ni Soriano na bagamat third choice si Escudero para gumanap na Sajid, nakita niya ang galling nito kaya naman nasabi niyang ang actor ang pinakamagaling para sa kanya.

Sa kabilan banda, inaral ni Martin ang kanyang role kaya naman nagampanan niyang mabuti ang pagiging isang Muslim. ”Marami akong kaibigan na Muslim.Inaral ang Koran para maisapuso ang pagigiging Muslim pati ang pananamit. Nakatutok din ako sa mga Muslim at lagi akong nakikipag-usap sa kanila.”

Kasama rin ni Escudero sa pelikula sina Rez Cortez, Lou Veloso, Jordan Castillo, Tanya Gomez, Darius Razon, Cloyd Robinson, Mia Mendiola, Jack Falcis, Bong Ruso, Chamberlaine Uy, Al Flores, John Michael Wagnon, Tim Sawyer, China Roces, at ang ipinakikilalang si Juan Miguel Soriano.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *