Sunday , April 13 2025

Off-site employment aprub sa Kamara

INAPRUBAHAN ng Kamara sa pangalawang pagbasa ang pagpapa­hin­tulot sa mga empleya­do sa pribadong sektor na magtrabaho sa labas ng opisina sa pamamagitan ng “telecommuting.”

Ipinaliwanag sa House Bill 7402, o Tele­com­muting Act, ang “telecommuting” ay “a flexible work arrangement that allows an employee in the private sector to work from an alternative workplace with the use of telecommunication and/or computer techno­lo­gies.”

Sa ilalim ng nasabing panukala, ang pagkaka­sunduan ng mga emplo-y­er at mga empleyado ay kabibilangan ng com­pensa­ble work hours, minimum number ng work hours, overtime, rest days at karapatan sa leave benefits.

“The bill mandates the employer to ensure the telecommuting employ­ees are given the same treatment as that of com­parable employees work­ing at the employer’s premises,” ayon sa panu­ka­la.

“Moreover, the em­ployees shall have the same or equivalent workload and perfor­mance standards as those comparable workers at the employer’s premises.”

Sa nasabing panu­kala, inaatasan ang De­part­ment of Labor and Employment na magbuo ng pilot program sa piling industriya na tatagal nang hindi lalagpas sa tatlong taon.

“The said agency shall be responsible for base-lining, scoping and profiling research work prior to implementation, regular quarterly monito­ring, and evaluation. At the end of the program, the DOLE shall submit a report to Congress on its findings,” dagdag sa panukala.

Sinabi ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Villafuerte, may-akda ng panukala, ang pagbubuo ng alternatimong “modes” ng pagta­trabaho “is very timely in light of the worsening traffic situation in Metro Manila and the increasingly unpre­dictable weather.”

“More and more employers have expand­ed the traditional mode of on-site work to the adopt­ion of flexible working arrangements such as the compressed workweek and telecommuting, among others,” aniya.

About hataw tabloid

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *