Tuesday , February 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eraserheads Electric Fun Music Festival 

Eraserheads: Electric Fun Music Festival kaabang-abang

More than just a concert; it’s a musical journey that spans genres and generations.” Ayon ito sa ipinadalang press release ukol sa sinasabing pinakamalaki at most unforgettable  celebration ng OPM, ang once in a lifetime opportunity na muling bisitahin ang walang hanggang mga hit at tumuklas ng bagong musika. At ito’y magaganap sa Eraserheads: Electric Fun Music Festival sa May 31, 2025, Linggo, sa SMDC Festival Grounds.

Pinagsama-sama ang mga batikang mang-aawit na humubog sa industriya at mga gagawa pa lamang ng kanilang marka sa Eraserheads: Electric Fun Music Festival kaya tiyak na pinakamaganda at hindi malilimutang selebrasyon ng OPM ang matutunghayan.

Kaya sa Eraserheads: Electric Fun Music Festival ay higit pa sa isang konsiyerto ang magaganap. kaya kung ikaw ay isang tagahanga ng rock, indie, pop, at alternatibong musika, o kahit na psychedelia–tiyak na mae-enjoy mo ang festival na ito. 

Makakasama ng EHeads sa kanilang festival ang mga OPM veterans tulad nina Basti ArtadiDong Abay Music OrganizationImago, Moonstar88, at The Itchyworms na matagal-tagal na ring nagbibigay ng magagandang musika. Ang mga batikang performer na ito ay nagdadala hindi lamang ng kanilang mga hit sa chart-topping kundi pati na rin ng mga taon ng karanasan at passion na nagbigay sa kanila ng kanilang lugar sa kasaysayan ng musika. Ipagdiriwang din ng kaganapan ang pagbabalik ni Heneral Luna sa entablado ng konsiyerto.

Magpapakitang-gilas din ang Blaster and Carousel Casualties, gayundn ang mga artist na sina Alyson, Party Pace, Pinkmen, at Sa Vie, na gumagawa na rin ng pangalan sa local music scene.

Hindi tulad ng mga tipikal na pagdiriwang ng musika na ang lahat ng banda ay nagtatanghal ng mga pinaikling set, sa Electric Fun Music Festival, ang Eraserheads ay maghahatid ng isang buong set ng konsiyerto kaya naman magbibigay ito sa mga tagahanga ng kompletong karanasang tiyak na ikasisiya ng mga manonood.

Kaya naman ngayon pa lang ay kumuha na kayo ng inyong mga tiket para sa SVIP at VIP tickets dahil  makakukuha kayo ng special perks tulad ng exclusive Soundcheck Experience, at  Air Conditioned Tent. Magkakaroon ng kalayaan ang mga may hawak ng SVIP ticket na i-explore ang lahat ng seksyon ng lugar ng festival. Ang naka-air condition na tent ay kayang maglaman ng 200 tao, 30 minuto bawat batch.

Kaya ‘wag palagpain ang musical event of the year. Early-bird tickets are exclusively available sa PalawanPay. May 5% discount kapag bumili ng mas maaga, simula March 29 hanggang April 16. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Shira Tweg Tine Areola Bambbi Fuentes Direk Louie Mantsa

Shira Tweg at produ na sina Tine Areola and Bambbi Fuentes, may patikim sa pelikulang “Mantsa”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA nang mag-shooting si Direk Louie Ignacio para sa pelikulang …

Martin Venegas Project Loki

Martin Venegas excited makatrabaho si Direk Xian Lim 

MATABILni John Fontanilla EXCITED nang makatrabaho ng Viva artist na si Martin Venegas ang kanilang direktor na si Xian Lim sa Project …

Kiray Celis Stephan Estopia Kirays Brands

Kiray paspas sa pagbuo ng pitong anak

HARD TALKni Pilar Mateo STALKER! Mayroon pala niyon si Kiray (Celis-Estopia).  Sumusulpot sa mga event niya. …

Ice Seguerra Fire and Ice

Fire and Ice lumawak pa — may stage prod, pelikula, serye, at consultancy

HARD TALKni Pilar Mateo MORE and more in store.  Ang ihahatid ng Fire and Ice, ng …

Ejay Falcon

Ejay pag-arte hindi tatalikuran

RATED Rni Rommel Gonzales SA eleksiyon last year ay nabigo si Ejay Falcon, na noon ay bise …