Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Illegal pipes sa Boracay nabuyangyang (Sa loob ng 30 araw)

EKSAKTONG 30 araw nitong Sabado nang isara ang Boracay para sa rehabilitasyon ng isa sa pinakasikat na isla ng Filipinas sa buong mundo.

Pero ayon mismo kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, hindi kakayanin na buksan ang Boracay sa publiko sa loob ng anim na buwang paglilinis at rehabilitasyon.

Malamang daw na humigit pa rito.

Sa loob ng 30 araw maraming nabistong underground sceptic pipes na ibinaon malapit mismo sa shoreline.

Ang nakagugulat dito, ang nasabing underground sceptic pipes ay ibinaon mismo ng Philippine Tourism Authority (PTA noon, TIEZA na ngayon).

Mantakin ninyo, ahensiya mismo ng gobyerno ang nagbaon ng ilegal na ‘underground’ sceptic pipes?!

Ibig sabihin, ‘yung dating PTA ang pasimuno na ideretso sa dagat ang lahat ng dumi na nanggagaling sa maraming establishments at kabahayan sa nasabing isla?!

Wattafak!

Ibig sabihin habang naglilinis ang team nina Secretary Cimatu, kailangan din nilang paim­bestigahan nang mabilis ‘yan dahil baka maka­puslit  ang mga ‘kumita’ ‘este ang mga pasimuno sa pagbabaon ng underground sceptic pipes sa shoreline.

Mantakin ninyo, mayroon pa rin talagang mga negosyante na kumita lang nang malaki ‘e balewala sa kanila kahit mawasak ang ating kalikasan?!

Magtataka pa ba tayo kung bakit may E. coli ang karagatan sa Boracay?!

Ito lang ang malaking tanong natin, mayroon pang environmental planner at urban planner na makaka­tulong ang DENR para ayusin ang Boracay?!

Hindi naman puwedeng puro linis at tuklas lang ng mga underground sceptic pipes. Kailangan talagang may bagong plano kung saan pupunta ‘yang mga dumi na ‘yan…

Secretary Cimatu, umaasa ang publiko na magiging matagumpay ang gagawing paglilinis at rehabilitasyon sa Boracay…

Aasahan po namin ‘yan.

PARA KANINO
BA TALAGA
ANG TRAIN?!

HINDI pa full blast pero marami nang umaangal sa napakabigat na implementasyon ng Republic Act RA 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN law).

Siyempre ang unang nakararamdam niyan ‘yung maliliit ang kita.

Kung dati ay nakabibili sila ng limang kilong bigas baka ngayon tatlo na lang.

Kung dati ay may tuyo at itlog, baka ngayon ibusa na lang sa kakapiranggot na mantika ang kanin nila kasi wala nang pambili ng ulam.

Sumirit na rin ang koryente at tubig at higit sa lahat tumaas ang diesel at gasoline.

Kaya maraming manggagawa ang humihi­ling na itaas na ang sahod.

Mag-uumpisa na rin ang academic year 2018-2019, dagdag mahalagang tosgas sa pag-aaral ng mga bagets.

Arayko!

Humamig ng malaking buwis ang gobyerno para raw makapagserbisyo sa mamamayan…

Pero sa totoo lang ibinalik lang sa mama­mayan ang pagpapahirap at pagpapasan ng TRAIN law.

Ano ba ang nangyayari sa ‘economic managers’ ni Tatay Digong?! Galit ba kayo sa mama na ibinoto ng 16 milyong Filipino?!

Tatay Digs, pakiramdaman lang po ninyo, baka sinasabotahe na kayo…

Galit na ang mamamayang kumakalam ang sikmurang walang laman.

Alam naman po ninyo, kahit na gutom, mas lalong tumataas ang kanilang adrenalin sa pagpoprotesta.

Mukhang panahon na para mag-isip-isip ang mahal na Pangulo.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *