Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Empoy, matatawag nang unkaboggable

KUNG ligwak si Aga Muhlach sa talaan ng mga nominado para sa Best Actor category sa Famas at sa halip ay ang co-star niyang si Dingdong Dantes sa Seven Sundays ang pasok ay sa ibang direksiyon ang ihip ng hangin sa listahang inilabas naman ng Gawad Urian.

Kataka-takang kapwa sina Aga at DD ay ligwak sa Best Actor nominees’ list, at ang kumabog lang naman sa kanila ay si Empoy.

Nominado si Empoy para sa pelikulang Kita Kita along side his leading lady na si Alessandra da Rossi sa pagka-Best Actress category naman.

Awards season ngayon. Bukod sa Famas at Urian ay handa na rin ang The Eddys na binubuo ng mga patnugot ng entertainment section ng mga tabloid at broadsheet sa bansa.

Bawat isa sa mga award-giving body na ito (isama na rin ang mga parangal na ipinagkakaloob ng iba’t ibang unibersidad) ay may kanya-kanyang pamantayan sa kanilang pagpili. Minsang may pagkakatulad, mayroon ding pagkakaiba.

Matagal nang imahe ng Urian ang pagkakaroon ng “paiba effect” as regards kung sino ang kanilang nasa listahan. Unpre­dictable, kundi man malaking sorpresa ang mga inino-nominate nila taon-taon.

Back to Empoy, talaga naman kasing uma­gaw siya ng atensiyon sa Kita Kita. Isang rebelasyon nga ang makitang nakaaarte pala si Empoy na mas higit kilala bilang komedyante.

Ayaw naming pangunahan ang resulta ng Urian na sa June 14 pa idaraos ang awards night. Pero let’s face it, “unkaboggable” na matatawag si Empoy considering na mga berdaderong mahuhusay na aktor sa bansa ang kinabog niya.

Ng bonggang-bongga, ha?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …