Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Concert ni Justin Lee, pinuno ng mga tin-edyer 

MULING pinatunayan ni Justin Lee na hindi lamang siya magaling na aktor kundi isa rin siyang magaling na singer.

Sa katatapos na All About Me Concert sa SM North EDSA Sky Dome na ipinrodyus ng SMAC TV Productions, pinatunayan ni Justin ang husay sa pagkanta at pagsayaw.

Hindi nga magkamayaw ang mga tin-edyer sa pagsigaw at pagpalakpak na sumugod sa Sky Dome para suportahan ang kanyang concert.

Nakatutuwa ring sinuportahan si Justin ng mga kaibigang sina John Roa, dating Battalion member na ngayo’yViva artist na, Francis Lim, ng The Voice Kids gayundin ng mga kapatid niya sa SMAC TV Productions na sinaMateo San Juan, VMiguel Gonzales, at Isiah Tiglao. Kasama rin sa nagparinig ng kanilang magandang tinig sina  DJ Alvaro at ang Starmagic talent na si Khalil Ramos.

Naging front act naman ng konsiyerto Be Happy Go Lucky hosts na sina Supremo ng Dance Floor Klinton StartPGT semi finalist Jervy Delos Reyes, singer/commercial model/actor Ron McleanIvory  Recording artist Rayantha LeighAngelia Orna, at ang magaling na magpinsan na ngayo’y Viva artists, sina Kikay at Mikay.

Dumating din at nag-perform ang mga Boarders ng Dormitory Academy na sina JB Paguio, JM Agaps, Rish RamosJoshua Malaluan , at Sceven Nolasco, ang Sing Like A Pro winner na si Andrei Tamura at ang mga runner-ups na sina Airick Habijan at Irene Solevilla gayundin ang leading lading ni Justin sa online serye na Block Authority na si Jayla Villaruel.

Una naming napanood si Justin sa pelikulang  Magkadugo at sa tuwina lagi siyang may bagong ipinakikita. Congratulations Justin.

***

IMBITADO ang lahat sa engradeng debut ng White Bird Entertainment Bar ngayong gabi, 9:30 p.m.sa Roxas Blvd (malapit sa Baclaran), Paranaque City.

Naglalagablab ang pasiklab na kaseksihang inihanda ng White Bird sa kanilang 18th anniversary show. Halina’t makisaya, maki-party, at damahin ang init na handog ng mga nagguguwapuhang modelo.

For reservations, call 8512088, 8512089, 09279074623,09494932132.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …