Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana Tom Rodriguez

Tom, ‘di lang GF kundi partner pa si Carla

MAY balak nang magpakasal sina Tom Rodriguez at Carla Abellana pero hindi pa nila alam kung kalian iyon magaganap.

“Siyempre may balak naman lagi eh,” at tumawa si Tom.

Matalik na magkaibigan sina Tom at Dennis Trillo (at iisa ang manager nila, si Popoy Caritativo) at magkapareha sina Tom at Jennylyn Mercado sa The Cure ng GMA.

Four years na ang relasyon nila ni Carla at sa palagay ni Tom ay mas mauuna silang magpakasal kaysa kina Jennylyn at Dennis.

“Baka,” ang nakangiting sagot ni Tom.

Pero ayon kay Tom, hindi sila nagmamadali ni Carla na makasal.

“Hindi naman siya ‘yung parang journey or isasabay mo sa kunwari mape-pressure ka dahil matagal na. Siyempre we’re basing it on our own internal clock pareho.

“Parang ‘pag alam namin ‘yung goal, mag-a-align. Iyon lang ang masasabi ko, as far as time, parang premature.

“Parang ‘pag inano mo na, paano ‘pag may shortcut kayo sa preparasyon dahil para lang movie o TV show na kailangang mai-air na, hindi mo mapulido tuloy kasi nakatali ka na sa airing date.

“Kaya kina-can muna namin, canned,” at muling tumawa si Tom.

Aminado naman si Tom na may pressure sa kanya kahit paano na hindi pa sila nagpapakasal ni Carla.

“Siyempre may pressure sa akin personally na we’re not getting any younger, both of us naman are doing our part regarding that.”

At nag-e-enjoy pa naman sila ni Carla as boyfriend/girlfriend.

“As in sobrang okay lahat. I don’t see her as a girlfriend, she’s my partner!

“She’s not JUST my girlfriend, she’s my partner,” ang napaka-sweet pang sinabi ni Tom tungkol kay Carla.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …