Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miss Universe, unang event na gagawin sa pagbubukas ng Boracay

BAGO pa man magkaroon ng opisyal na announcement ang Department of Tourism (DOT) ay naitanong na namin sa head ng Mercator Model & Artist Management na si Jonas Gaffud ang tungkol sa maugong na balita na magaganap dito sa Pilipinas ngayong November ang Miss Universe beauty pageant.

Na kesyo ayon pa sa tsika, sa pagbubukas ng Boracay sa October ay ang Miss Universe ang unang bonggang event na magaganap dito.

Pero iyon na nga, wala itong katotohanan; masakit man sa dibdib ng mga beauty pageant aficionados ay hindi sa ating bansa idaros ang naturang contest.

Ayon kay Jonas, na kilala ring beauty queen maker, walang pirmahan ng kontrata na naganap sa Miss Universe Organization at Department of Tourism (DOT) sa pagbisita kamakailan sa Pilipinas ni Paula Shugart,  president ng Miss Universe Organization.

Samantala, walang kinalaman ang DOT sa mga proyekto ni Jonas, na isa ring talent manager at namamahala sa career nina Pia Wurtzbach, Shamcey Supsup, Venus Raj, Benjamin Alves, Daniel Matsunaga, Marlo Mortel at marami pang iba.

“I never had any project with DOT, never. Ayaw kasi naming gamitin ni Kat ang pagiging magkaibigan namin.”

Magkaibigan nina Jonas at Kat de Castro na dating DOT assistant secretary.

“’Yung sa Miss Universe 2016, ang role ko noon is under former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, not DOT.

“I was the head of events. Ako ang nag-create ng lahat ng events na mandated by Miss Universe Organization,” paliwanag ni Jonas o Mama J.

“For me, ipinakita naman talaga ng DOT na talagang sila ang bida and kami, ‘yung workers, behind the scene.

“Marami akong ipino-post na projects ko with Kat, pero wala ni isa ang na-approve. Ni isa.

“And I’m happy na walang na-approve, kasi ngayon, they want to scrutinize everything… at least, I was not part of any project.

’Yung dalawang Miss Universe with IMG project last December and this May, Frontrow ‘yun.

“Hindi ako kasosyo sa Frontrow, supportive lang sila,” pagkaklaro pa ni Jonas.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …